Balita

CA employee, 9 pa, laglag sa drug ops

- Erma R. Edera

Sampu umanong tulak ng ilegal na droga, kabilang ang isang empleyado ng Court of Appeals (CA), ang inaresto sa magkakasun­od na police operations sa Malate, Maynila, kahapon ng umaga.

Sa pinakabago­ng anti-illegal drug operation, kinilala ng mga tauhan ng Malate Police Station (PS-9) Drug Enforcemen­t Unit ang mga suspek na sina Debbie Clemente, 49, ng Malate Maynila; Kalvin Villacorta, 28, ng Malate Maynila; Enrique Gervacio De Lara, 54, empleyado ng CA, ng Quezon City; at Gracelyn de Leon, 47, ng San Pablo City.

Nagsagawa ng operasyon ang mga pulis laban sa mga suspek sa Santan Street sa San Andres, Malate, Maynila, dakong 2:00 ng madaling araw.

Nakuha sa mga suspek ang anim na pakete ng hinihinala­ng shabu, tatlong strip aluminum foil at P200 buy-bust money.

Naaresto rin ng awtoridad sina Victory Delos Santos, 39, ng Makati City; Graciano Almario III, 38, ng San Andres, Maynila; Vergel Beldad, 41, ng San Andres, Maynila; Edward Balda, 45, ng Pasay City; Danilo Rafael, 37, ng Paco, Maynila; at Amy Rose Garcia, 31, ng Makati City.

Nagsagawa ng anti-criminalit­y operation ang mga tauhan PS-9 sa Zobel Roxas St., malapit sa corner Dian St., Malate Maynila, dakong 11:30 ng gabi kahapon.

Nakumpiska sa kanila ang limang pakete ng umano’y shabu.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines