Balita

6 arestado sa 16 na ‘shabu’ sachets

- Bella Gamotea

Arestado ang anim na katao matapos na makumpiska­han ng 16 na pakete ng umano’y shabu sa isang bahay sa lungsod, kamakalawa ng hapon.

Naghihimas ng rehas at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165) ang mga suspek na sina Elidan Sumampong y Alberto, 40; Asya Dela y Sumampong, 37; Paolo Maralit y Nadela, 22; Joel Penaflor y Mangampong, 39; at Marlon Talagtag y Abinal, nasa hustong gulang, pawang ng Barangay Tanyag, Taguig City.

Sa ulat na ipinaratin­g ng Southern Police District (SPD), nagsilbi ng search warrant ang awtoridad, sa pangunguna ni Senior Insp. Glenn Amsiwen, sa isang bahay sa Block 127 Purok 4, Bgy. Tanyag, bandang 5:30 ng hapon.

Nadatnan ang limang suspek sa loob ng naturang bahay at sa paghalugho­g ng mga pulis ay narekober ang 15 pakete ng umano’y shabu, na may timbang na 4.8 gramo.

Samantala, kalaboso rin ang suspek na si Arnold Alloso y Ricana, 37, at nakatira sa 8th Street, GHQ Village, Bgy. Katuparan, Taguig City.

Nagsasagaw­a ng anti-criminalit­y operation ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 8 nang matiyempuh­an ang suspek at mahulihan ng isang pakete ng umano’y shabu sa Block 10 Phase 2, Bgy. Pinagsama ng nabanggit na lungsod, dakong 7:40 ng gabi.

Dinala ang mga suspek sa tanggapan ng Station Drugs Enforcemen­t Unit (SDEU) upang imbestigah­an at sampahan ng kaukulang kaso.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines