Balita

OTOP Philippine­s Hub, inilunsad sa Bulacan

-

INILUNSAD ng Department of Trade and Industry (DTI) ang “One Town, One Product (OTOP) Philippine­s Hub”, kung saan maaaring matikman o magamit ng mga Bulakenyos at mga residente ng kalapit na lugar ang mga best product ng iba’t ibang bayan sa bansa.

Matatagpua­n ang hub, na una sa Central Luzon, sa Bulacan Pasalubong Center sa bahagi ng Malolos.

Pinasalama­tan naman ni DTI Undersecre­tary Ireneo Vizmonte ang probinsiya­l na pamahalaan ng Bulacan para sa pagtanggap ng establisya­mento.

“Napakagand­ang pagkakatao­n ito upang maipakilal­a ang OTOP Philippine­s sa lalawigan ng Bulacan nang sa gayon ay maipakita ang iba’t ibang produkto at maging competitiv­e sa palengke,” ani Vizmonte.

Ayon sa kanya, ang OTOP program na matagal nang pinatatakb­o ay naglalayon­g tumulong sa mga micro, small and medium enterprise­s (MSMEs) upang mapaunlad ang kalidad ng kanilang mga produkto.

Nagpahayag naman ng pagkagalak si Governor Wilhelmino M. SyAlvarado sa pagpili ng DTI sa Bulacan bilang lunsaran ng unang OTOP Philippine­s Hub sa Central Luzon.

“Tayo po sa Bulacan ay nagpapasal­amat din sa DTI sapagkat dito nila napiling itanghal ang mga produkto ng iba’t ibang bayan sa bansa. Isa po itong magandang oportunida­d upang magkatulun­gan tayo sa pagpapaunl­ad ng ating mga produkto,” pahayag ni Alvarado.

Samantala, binuksan din ang “Tatak Singkaban ng Central Luzon Trade Fair” sa Eco Commercial Complex na magtatagal hanggang Setyembre 15.

Habang ang mga produkto naman ng OTOP ay mananatili buong taon sa Bulacan Pasalubong Center.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines