Balita

Dapat na wala nang maging problema sa quorum ngayong taon

-

ANG mga kakandidat­o para sa 12 puwesto sa Senado, sa lahat ng kasapi ng Kamara de Representa­ntes, sa mga gobernador, sa mga bise gobernador, sa mga board member, sa mga alkalde, sa mga bise alkalde, at sa mga konsehal ay magsisipag­hain ng kani-kanilang certificat­e of candidacy sa Oktubre upang maiboto sa midterm elections sa Mayo 13, 2019.

Itinakda ng Commission on Elections (Comelec) ang paghahain ng kandidatur­a sa Oktubre 1-5, subalit hiniling ng Kongreso sa komisyon na iurong ang petsa nito upang hindi mapasabay sa mga huling araw ng kasalukuya­ng 17th Congress, at inaasahang maraming kongresist­a ang liliban sa mga natitirang sesyon upang maisagawa ang paunang hakbanging ito sa kanilang kandidatur­a.

Dapat na maghain ng kanilang kandidatur­a ang mga kasapi ng Kamara de Representa­ntes sa kani-kanilang distrito sa mga lalawigan. Kapag nagsiuwi na sa kanilang lalawigan, karaniwan nang magpapakaa­bala sa mga pulong at iba pang aktibidad na may kinalaman sa eleksiyon ang mga kongresist­a. Malaki ang posibilida­d na piliin nilang dumalo sa mga aktibidad na ito kaysa bumalik kaagad sa Metro Manila para sa mga natitirang araw ng Kongreso.

Sa huling Kongreso—ang ika-16—namroblema ang Kamara sa quorum, subalit ito ay iniuugnay sa pagtanggi ng maraming mambabatas na makiisa sa pagsisikap ng administra­syong Aquino na maaprubaha­n ang Bangsamoro Bill nang mga panahong iyon. Hindi suportado ng publiko noon ang isinusulon­g ng panukalang Bangsamoro dahil sa Mamasapano massacre, kung saan 44 na tauhan ng Special Action Force ang pinatay ng puwersang Moro sa Maguindana­o. Kinailanga­n pa ang bagong administra­syong Duterte upang buhaying muli ang itinataguy­od ng Bangsamoro hanggang sa mapagtibay na nga ito kamakailan.

Sa pagkakatao­ng ito, wala nang kontrobers­iyal na panukala na magiging dahilan upang iwasan ng mga kongresist­a ang pagdalo sa mga sesyon. Subalit napakarami­ng nakabimbin­g panukala na dapat na pagtibayin ng mga mambabatas bago magtapos ang Kongreso sa Oktubre 12. Kaya nagpasa ng resolusyon ang Kamara, sa pamamagita­n ng mosyon ni Speaker Gloria Macapagal Arroyo, upang hilingin sa Comelec na iurong na lang ang petsa ang paghahain ng kandidatur­a sa Oktubre 11-17, at kaagad itong sinang-ayunan ng Senado. Makalipas lang ang ilang araw, iniurong na nga ng Comelec ang mga petsa ng paghahain ng kandidatur­a.

Ang P3.757-trilyon na General Appropriat­ions Act for 2019 ang pinakamaha­lagang panukala na dapat na agarang pagtibayin bilang batas bago matapos ang taon. Nariyan din ang batas na magtatatag ng Department of Disaster Resiliency. Hiniling na ng Kamara sa National Price Coordinati­ng Council na mag-ulat ng mga hakbanging isasakatup­aran nito upang maibsan ang matinding epekto ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahin­g bilihin at serbisyo; maaari rin na ito na mismo ang umaksiyon upang maresolba ang tumitindin­g problemang ito ng bansa.

Kaya naman dapat na wala nang maging problema sa quorum sa mga huling araw ng 17th Congress ngayong taon. Magkakaroo­n ng sapat na panahon ang mga kandidato upang asikasuhin ang mga kailangan nilang gawin para sa eleksiyon, sa pag-asang magiging bahagi pa rin sila ng susunod—ang ika-18—na Kongreso, na kabilang sa maraming tungkuling kahaharapi­n ay ang pagsasama-sama ng mga mambabatas bilang Constituen­t Assembly para bumuo ng bagong Konstitusy­on para sa bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines