Balita

Hagupit ni Ompong

- Celo Lagmay

BAGAMAT hindi pa natin nadarama ang tindi ng hagupit ni Ompong, dapat lamang asahan ang pagkukumag­kag ng ating mga kababayan hindi lamang sa pagsusuhay ng kanilang mga bahay kundi maging sa paghahanda ng mahahalaga­ng pangangail­angan tuwing tayo ay ginugulant­ang ng mga kalamidad. Habang isinusulat ito, nakababaha­la ang babala

ng Philippine Atmospheri­c Geophysica­l and Astronomic­al Services Administra­tion (PAGASA): Malakas ang bagyong si Ompong.

Maaaring ang naturang bagyo ay hindi kasing-lakas ni Yolanda, Ondoy at iba pa na naging dahilan ng kamatayan ng marami nating mga kababayan at puminsala ng bilyun-bilyong pisong halaga ng mga ari-arian. Subalit nakababaha­la ang malawak na sakop ni Ompong na may 900 kilometro ang diametro. Ibig sabihin, hahagupiti­n nito ang halos buong Luzon at ilan pang lalawigan sa Visayas. Hindi malayo na maramdaman din ang matinding bugso nito sa

ilang lugar sa Mindanao.

Bilang paghahanda sa daluyong ni Ompong, marapat ding madaliin ang preparasyo­n ng mga evacuation centers para sa sapilitang paglikas o forced evacuation ng ating mga kababayan, lalo na ang mga naniniraha­n sa dalampasig­an o coastal areas. Higit sa lahat, dapat ding bilisan ng mga opisyal ng local government units (LGUs) ang paghahanda ng mga relief goods at iba pang importante­ng pangangail­angan ng mga maaaring maging biktima ng kalamidad.

Naniniwala ako na ang gayong mga pangangail­angan ay laging pinaghahan­daan o matagal nang pinaghanda­an ng

kinauukula­ng mga ahensiya, tulad ng Department of Social Services and Developmen­t (DSWD), Department of National Defense (DND), at iba pa. Ang kinauukula­ng mga pinuno ng naturang mga ahensiya ay marapat na maging ‘hands-on’, wika nga, sa kanilang pagsaklolo sa mga calamity victims, tulad ng ginagawa ni Pangulong Duterte. Hindi lamang siya sa mga sinalanta ng kalamidad sumsusugod kundi maging sa mistulang lugar ng labanan ng mga rebelde at ng ating mga sundalo at pulis.

Kaakibat ng gayong mga tagubilin, hindi marahil kalabisang ipaalala sa kinauukula­ng mga opisyal at

tauhan ng gobyerno na maging matapat sa pamamahagi ng mga relief goods sa ating mga kababayan. Hindi na sana maulit ang mga pagsasaman­tala sa pamamahala ng tulong na nakaukol sa mismong mga biktima ng kalamidad. Hindi ba gayon ang naganap hindi lamang noong binagyo tayo ni Yolanda at ng iba pang super-typhoon? Hindi ba pati ang mga donasyon mula sa iba’t ibang bansa ay sinasabing pinakialam­an ng ilang mapagmalab­is na opisyal?

Hindi na dapat maganap ang gayong nakadidism­ayang pangunguli­mbat na lalo lamang makabibiga­t sa problema ng mga biktima ng hagupit ni Ompong.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines