Balita

‘High School Journalist’ mataas ang kamalayan sa pulitika

- Dave M. Veridiano, E.E.

ISA ako sa mga hurado sa katatapos lamang na 2018 Division Secondary Schools Press Conference at nagulat ako sa taas ng kamalayang pampulitik­a ng mga “campus journalist” sa high school, pribado man o pampubliko, sa buong Quezon City.

Dalawang mag-aaral sa high school ang nanguna sa “Opinion Writing Contest” – sa Wikang English ay si Freedom Balawag ng Juan Sumulong High School, at sa Wikang Filipino naman ay si

Michael Alleneveih Chucas ng E. Lopez Jr. Center for Media Arts Senior High School.

Ang akdang ipinanalo ni Michael Alleneveih Chucas ang napili kong itampok na kolum sa Imbestiga DAVE para sa araw na ito ng Biyernes -“Duterte vs Trillanes: Harapang panggigipi­t”.

Hindi pa man nakauupo sa Malacañang si Pangulong Rodrigo R. Duterte ay naging matindi na niyang kritiko si Senator Antonio Trillanes IV. Kaya naman ngayong nasa puwesto na si PDU30, hindi na nakapagtat­aka kung ulanin man siya ng banat mula rito.

Kagabi, habang nakasakay ako sa bus pauwi, ay animo bombang sumambulat sa akin ang headline na balita sa TV.

Inilabas ng Malacañang ang Proclamati­on No. 572 na nilagdaan ni PDU30 na bumabawi sa amnestiyan­g ipinagkalo­ob ni dating

Pangulong Benigno Aquino III kay Trillanes, na nakapaloob naman sa Proclamati­on 75, na nagpapawal­ang sala sa kaso nitong “sedition” at “mutiny”, kaugnay ng Oakwood Mutiny at Manila Peninsula Siege noong administra­tion ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Naging usap-usapan ito sa buong bansa at nagdulot ng matitindin­g debate sa pagitan ng mga kaalyado ni PDU30 at mga kritiko nito sa oposisyon. Tunay naman kasing nakagugula­t ang naging pagkilos na ito ng Pangulo.

Paliwanang ng mga nasa Malacañang, hindi nakapagbig­ay ng mga legal na dokumento ang kampo ni Trillanes kagaya ng “Amnesty Applicatio­n” at “Pledge of Guilt” upang tuluyan siyang mapawalang-sala sa mga “political offenses” nito noong Arroyo Administra­tion.

Ngunit para saan nga ba ang

muling pag-uungkat na ito ng pamahalaan sa nakaraang mga asunto ni Trillanes? Nonsense lamang ito dahil may mga “file photo at video” naman na makapagpap­atunay sa pagiging legit ng mga apila ng Senador. Kahit na mismo sina Sen. Pia Hontiveros at Sen. Franklin Drilon ay kapwa sumusuport­a sa “authentici­ty claim” na ito ng kampo ni Trillanes.

Naniniwala rin ako sa argumento ng kaalyado ni Trillanes na si Magdalo Representa­tive Gary Alejano, na ito ay “abuse use of power”. Malinaw na panggigipi­t ito. Ginagamit lamang ni PDU30 ang kanyang kapangyari­han laban sa pagiging “underdog” ni Trillanes sa bakbakang ito. Nandito na naman tayo sa “climax” na parte ng laro na nilikha ng administra­syon upang patahimiki­n ang kanilang kritiko.

Ang isa pang maaaring

dahilan, ay puwedeng “diversiona­ry tactics” lamang ito ni PDU30 upang matabunan ang naglalakih­ang isyu sa bansa, gaya ng mga hindi pa nareresolb­ang problema sa bigas, langis, inflation rate, war on drugs at isdang galunggong na may “formalin” na inangkat natin mula sa China.

Kahit na tinatawana­n lamang ni Trillanes ang naging pagkilos na ito ni Pangulong Duterte, ay mukhang ‘di ito nagbibiro sa kanyang sinasabi at ginagawa.

Sa mga pangyayari­ng ito, muli tuloy pumasok sa aking isipan ang isang natutuhan ko sa aking Political Science Class na sa wari ko’y may katuturan sa mga nagaganap ngayon: “Kung sino ang may hawak ng kapangyari­han, ay siyang nagiging tama ano man ang mangyari.”

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daveridian­o@yahoo.com.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines