Balita

Desisyon ni Regine, respetado ni Christian

- Ni NORA CALDERON Regine

BALITANG-balita na ang pag-alis daw ni Regine Velasquez-Alcasid sa GMA-7, bagamat hanggang ngayon ay wala pang komento ang Asia’s Songbird tungkol dito, at maging ang Kapuso network.

Kaya naman sa presscon ng Kapusong Pinoy: Paskuhan at Kantawanan sa Anaheim ay natanong namin si Christian Bautista kung nakausap niya na si Regine tungkol sa nasabing balita. Matagal nang magkasama sina Regine at Christian sa

The Clash talent search, bukod pa sa lumilibot na 3 Stars 1 Heart concert nila with Julie Ann San Jose.

Ngayong September ay matatapos na ang

The Clash, na napabalita­ng last show na raw ni Regine sa GMA-7, dahil nagpaalam na rin daw si Regine sa kanyang five-year cooking show na

Sarap Diva, at nag-last taping day na rin.

“Hindi ko siya (Regine) tinanong,” sagot ni Christian. “Kung anuman ang desisyon niya, wala akong sasabihin. Tiyak namang kung ano ang desisyon niyang gagawin, para rin sa kanya at sa pamilya niya. I wish her the best.”

May concert tour si Regine sa Amerika, ang R.3.0 sa Viva Live, at special guest niya ang husband na si Ogie Alcasid. Aalis sila on October 5, at 15 days na mawawala sa bansa.

Noon ay may balak din ang GMA na itanghal sa Amerika ang 3 Stars 1 Heart nina Regine, Christian, at Julie Anne. Matutuloy pa kaya iyon, pagkatapos ng very successful concert nila sa Dubai last April, 2018?

“Wala pa namang sinabi ang GMA tungkol doon kung matutuloy pa. Hindi ko alam kung itong pre Christmas show namin ang kapalit noon,” sabi ni Christian.

“Basta kami ni Julie Anne, mauuna kami sa San Francisco, California for a meet and greet with the fans kami tutuloy sa Anaheim.”

Magiging busy din si Christian pagbalik niya mula sa California. Nakapag-tape na siya ng guest appearance niya sa Victor Magtanggol ni Alden Richards, at nagsimula na rin siyang mag-taping ng bagong teleserye sa GMA 7 ang

Pamilya Roces.

Excited si Christian sa pagganap niya sa

Pamilya Roces, dahil first time siyang maididirek ni Joel Lamangan.

Sa December pa ang wedding nila ng fiancée niyang si Kat Ramnani, kaya hindi pa nagbibigay ng details ng wedding si Christian sa ngayon.

 ??  ?? Christian
Christian
 ??  ?? there, bago
there, bago

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines