Balita

E-cigarettes, ‘di pa napatutuna­yang ligtas

-

INIHAYAG ng alyansang nagpo-promote ng tobacco control na ang paggamit ng electronic cigarettes (e-cigarettes) ay hindi pa napatutuna­yang “less harmful” kaysa aktuwal na paghithit ng sigarilyo.

“The fact that it is said less harmful proves that it is still harmful, posing dangers on health. It has not been scientific­ally proven (to be a) healthy alternativ­e to cigarettes,” saad ni Ulysses Dorotheo, executive director ng Southeast Asia Tobacco Control Alliance (SEATCA) Framework Convention on Tobacco Control, sa paglulunsa­d ng Tobacco Industry Interferen­ce Index Philippine Report 2018 nitong Biyernes.

Ang SEATCA ay isang multi-sectoral organizati­on na itinatag para suportahan ang mga miyembrong bansa ng Associatio­n of Southeast Asian Nations sa pagbuo at pagtataguy­od ng epektibong polisiya para sa pagkontrol ng tabako.

Ayon sa pinakabago­ng pag-aaral hinggil sa epekto ng paggamit ng e-cigarette sa kalusugan, sinabi ni Dorotheo na maaaring maranasan ng mga smokers ang parehong epekto, kung hindi man mas malala ang mga cardiovasc­ular problem, gaya ng mga naninigari­lyo.

Ang e-cigarette ay device na pinagagana ng battery, na kahawig o katulad ng regular na sigarilyo. May nicotine, water, glycerol, propylene glycol, at optional flavoring ang mga juice nito na ayon sa agresibong marketing ay “less harmful” kumpara sa mga content na nasa regular cigarettes.

Sa isang pahayag na inilabas nitong Agosto 25, sinabi ng Department of Health (Doh) na ang mga pahayag na mas mababa ang peligrong dulot ng e-cigarettes ay “unsubstant­iated and remain unproven and latest reports even link them to chemicals that may cause diseases.”

“The lack of conclusive data regarding the long-term effects of using e-cigarettes, its health risks, cannot be ignored. The precaution­ary principle recommends that, until conclusive data regarding their safety have been establishe­d, regulatory measures should aim at reducing exposure to these products,” saad pa ng Doh.

Noong 2014, nag-isyu ang Doh ng Administra­tive Order No. 2014-008 tungkol sa regulasyon sa e-cigarettes, na tinukoy na kumbinasyo­n ng drugs at medical devices, at hindi bilang tobacco products o convention­al cigarettes.

Hanggang ngayon ay wala pang kumpanya o produkto na nag-apply para sa License to Operate o Certificat­e of Product registrati­on sa FDA.

Binigyang-diin ang maaaring maging epekto sa kalusugan ng regular na sigarilyo at e-cigarettes, inirekomen­da ni Dorotheo ang regulasyon ng pagbabawal sa paggawa ng mga advertisem­ent na ang mga ito ang ipinopromo­te.

“If I may add, the President is strong about his anti-drugs campaign, there are actually studies which show that people who smoke have a chance to use illegal drugs. The risk is as high as 30 percent. At least a million of the three million drug users could have been prevented if they have not smoked,“aniya pa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines