Balita

Storm Bell, wagi sa Philracom race

-

BINAGYO ng Storm Bell ang mga karibal para magbida sa 1st leg ng Philippine Racing Commission (Philracom) Juvenile Fillies and Colts Stakes Race kamakailan sa Saddle and Club Leisure Park, Naic, Cavite.

Sakay ang multi-titled jockey na si JB Hernandez, humataw ang twoyear-old colt sa kalagitnaa­n ng 1,200-meter distance at hindi na bumitiw tungo sa panalo sa bilis na isang minuto at 12 segundo.

Kumalas ang Storm Bell mula sa likuran nang nagungunan­g Morning Girl, pagmamay-ari ni Rene Viloria, at Valley Cat ni Raymund Puyat para maagaw ang bentahe may 600 metro ang layo tungo sa panalo at angkinin ang karera na may kabuuang P1 milyon na premyo mula sa Philracom.

Nakamit ng Storm Bell ang P600,000 para sa Bell Racing Stable, habang nakamit ni Donato S. Sordan ang Breeder’s Purse na P30,000.

Sumegunda ang Valley Cat, sakay si OP Cortez para sa premyong P225,000, habang ang Robert Ramirez-owned Inter State, sakay si jockey RG Fernandez ang pangatlo para sa premyong P125,000.

Ikaapat ang Morning Girl ni Jockey RO Niu Jr., (P50,000). Itinampok sa Philracom’s Juvenile Fillies and Colts Stakes Race ang pinakamahu­husay na two-year-old horses sa bansa.

Ang iba pang nagwagi sa 12-race Philippine Racing Club Inc. ay ang Fintridge (Race 2), Ingd Kantar (Race 3), Pabulong (Race 4), Sin Duda (Race 5), Skymarshal (Race 6), Lollipop (Race 7), Kapangyari­han (Race 8), Sikat (Race 9), Expensive (Race 10), Conqueror (Race 11) at Runzaprun (Race 12).

Samantala, isasagawa ng Philracom ang 2018 Lakambini Stakes Race sa Linggo sa Manila Jockey Club’s San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines