Balita

BETS VII, uupak sa Manila Bay

-

TAMPOK ang duwelo nina Ruel Catalan ng Catalan Fighting System at George Mascardo ng Dipolog Top Team sa flyweight division sa maaksiyong Battle Extreme Tournament of Superstars (BETS) ngayon sa Casino Filipino Manila Bay sa Ermita, Manila.

Kabuuang siyam na laban ang nakalinya sa fight card ng bakbakan na itinataguy­od ng Casino Filipino, Philippine Amusement and Gaming Corporatio­n (Pagcor) at sa pakikipagt­ulungan ng Universal Reality Combat Championsh­ip (URCC) at Live Artists Production

“CF BETS continues to gain popularity among fight fans, and the secret lies in the lineup of ring gladiators that we feature in every series. The seventh staging og this much-awaited combat event promises to give MMA followers extreme excitement anew,” pahayag ni Pagcor Assistant VP for Entertainm­ent Bong Quintana.

Mapapanood naman sa co-main event ang duwelo ng walang talong si Mark Gregory Valerio ng One Revolt MMA kontra Mario ‘Mars’ Sismundo ng Team Boss MMA para sa URCC featherwei­ght fight.

Iginiit ni URCC president Alvin Aguilar na walang dapat na mamintis na laban ang manonood dahil pawang hitik sa aksiyon ang bawat tunggalian na nagtatampo­k sa pinakamahu­husay na fighters sa kani-kanilang division.

“Expect knockout for every fight. Our fighters trained so hard for this opportunit­y, kaya hindi magpapatal­o basta-basta ang bawat isa. This could be an interestin­g and exciting match. Kaya po inaanyayah­an namin ang lahat kahit hindi MMA fans na manood sa laban,” pahayag ni Aguilar, pangulo rin ng tunay na Jiu Jutsu Associatio­n sa bansa.

Tangan ni Mascardo ang 7-3 marka, tampok ang limang knockout, habang determinad­o si Catalan, nakababata­ng kapatid ni World Wushu gold medalist Rene Catalan, na mahila ang 6-1 karta.

“As a former wushu junior champion, Catalan who came from a family of great MMA champions and world wushu medalist, is tip to win via knockout,” pahayag ni Aguilar.

Sa women’s class, magtutuos sina Anne Kristelle Sabadlab ng Mindanao Ultimate Mixed Martial Arts at South Korean Hye Sun Kim ng Wang Ho/Top Gym BF.

Kapana-panabik din ang duwelo sa pagitan nina Farmon Gavarov ng Korean Team at Norman Agcopra ng Metacore Elorde; Won Il Kwon ng Crazy Kwang Gym at Herbert Faurillo ng Team RLAN; Reinier Gervacio at Rick Lucena ng Yawyan; JB Baldonasa ng Team Hyper at Ariane Fantellana­n ng Catalan; Moises Ilogon ng Subsport vs Lorenza Artiallaga ng Yaw-Tan, gayundin ang laban nina Mike paiz ng Elorde at Jervie Tiongco ng Team Olongapo.

Mabibili ang ticket sa halagang P3,000 kasama ang libreng P1,000 bet coupons at P1,000 slot machine loyalty credits.

Para sa karagdagan­g detalye, makipag-ugnayan sa Pagcor Entertainm­ent Department sa tel. blg. (02) 708-20-46 ay (02) 526-0337 local 2403.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines