Balita

SAKRIPISYO!

Saso at Asian Games gold golf team umayaw sa cash incentives

- Ni ANNIE ABAD

MILYONES na, naging bato pa.

Ngunit, bago mangarag ang nitizens, hindi literal na nabalewala ang P14 milyon na cash incentives ni Asian Games gold medalist Yuka Saso at ng kanyang golf buddies na sina Asiad bronze medal winner Bianca Pagdangana­n at LK Go.

Bilang pagbibigay proteksyon sa kanilang katayuan bilang amateur sa US NCAA kung saan kapwa nag-aaral ang tatlong batang golfers, napagdesis­yunan ng tatlo, sa gabay na rin ng kanilang mga magulang, na i-donate ang kanilang premyo sa National Golf Associatio­n of the Philippine­s (NGAP) developmen­t program.

Ayon kay NGAP secretaryg­eneral Bones Floro, mas pinili ng tatlo na manatilibn­g amateur ‘ due to the immutable circumstan­ces’ kung kaya’t tinanggiha­n nito ang cash incentives mula sa pamahalaan at sa pribadong sektor matapos mapabilang sa medallists sa katatapos na 18th Asian Games sa Jakarta, Indonesia.

Nakamit ni Yuka Saso ang gintong medalya sa women’s individual class, habang nagtapos si Pagdangana­n sa bronze medal. Kasama ang iskor ni Go, nasungkit din ng Pinay trio ang gintong medalya sa team competitio­n – kauna-unahan sa kasaysayan ng golf event sa bansa. Pawang teen-ager ang tatlong golf star at nag-aaral sa US kung saan bahagi sila ng NCAA team.

“Due to immutable circumstan­ces, we are unable to accept any and all forms of financial reward. At present, two of us are actively playing in the NCAA in the United States, with the third, soon to follow,” pahayag ng tatlo sa opisyal na pahayag na ibinigay sa media.

“We will automatica­lly lose our amateur status the moment we keep these incentives, as well as the opportunit­y to continue representi­ng the Philippine­s in the future.”

Ipinahayag ng tatlo ang desisyon matapos ang isinagawan­g awarding ceremony ng cash incentives sa Malacanang nitong Miyerkoles. Sa naturang okasyon, ipinahayag ni Pangulong Duterte ang dagdag na tig-P2 milyon na cash incentives kay Saso at sa kanyang teammates, gayundin kina Margielyn Didal ng skateboard­ing at Hidilyn Diaz ng weightlift­ing.

Sa kabuuan, nakatakda sanang tanggapin ni Saso ang P9.3 milyon, habang si Pagdangana­n ay may P2.5M at si Go ay may P2M.

“We unanimousl­y agreed that if it were possible to donate this money to support the national golf program – and thus help other aspiring golfers reach their goals – this would be the best scenario for us,” sambit ng tatlo.

“After consulting the world golf governing body, The Royal and Ancient Golf Club of St. Andrews, we were advised that this was a viable option. We are thus confident that the NGAP will allocate these resources in a prudent, equitable, and ideal manner, consistent with our intentions. “

Ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez, ang dagdag na P2 milyon na bigay ng Pangulong Duterte ay magmumula sa ahensiya.

“I have already directed the PSC to provide additional incentives to be sourced from its funds to the winning individual­s of the 18th Asian Games,” pahayag ni Duterte nang kanyang makaharap ang mga bayaning atleta sa maisksing programa sa Malacanang.

Bunsod nito, umakyat sa kabuuang P8 milyon ang cash incentives na makukuha ng gold medallists -- P2 milyon mula sa Cash Incentives Act, P2 milyon mula sa Philippine Olympic Committee (POC), P1 milyon mula kay Presidenti­al Adviser for Sports Dennis Uy, at P1 milyon mula kay Philippine ambassador to Indonesia Cesar Lee Hiong Tan Wee.

Sa Malacanang, pormal na iniaabot ng Pangulo ang P2 milyon cash incetives sa gold medalist batay sa Republic Act 10699. Ibinigay naman ang tig-P1 milyon sa dalawang silver medalist -Kiyomi Watanabe sa judo at Rogen Ladon sa boxing, habang P500,000 sa 15 bronze medallists.

 ?? JANSEN ROMERO ?? DIGONG’S DAB! Masayang nakiuso si Pangulong Duterte sa dab moves kasama si Asian Games skateboard­ing gold medalist Margielyn Didal sa ginanap na awarding ceremony para sa cash incentives ng mga atletang nagwagi ng medalya sa Jakarta Asiad.
JANSEN ROMERO DIGONG’S DAB! Masayang nakiuso si Pangulong Duterte sa dab moves kasama si Asian Games skateboard­ing gold medalist Margielyn Didal sa ginanap na awarding ceremony para sa cash incentives ng mga atletang nagwagi ng medalya sa Jakarta Asiad.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines