Balita

Ateneo, naisalba ang tikas ng UP Maroons

-

NAKAIWAS ang Ateneo sa isa pang pagkasilat nang pabagsakin ang University of the Philippine­s , 87-79, nitong Miyerkules sa UAAP Season 81 sa Smart Araneta Coliseum.

Hataw sina Anton Asistio at Thirdy Ravena sa kabuuan ng laban para maibawi ang nakadidsma­yang opening day lost sa Adamson para sa unang panalo sa premyadong collegiate league sa bansa.

Nagsalansa­n si Ravena ng team-high 17 puntos at 11 rebounds, habang tumipa si Asistio ng 16 puntos. Kumubra lamang ng mababang pinagsaman­g 14 puntos ang dalawa mula sa 4-12 shooting sa nakakagimb­al na kabiguan sa Falcons.

“We’ve said it all along, and we’re realizing the truth of it. It’s gonna be a fight every time out and we’ll have everybody’s best,” pahayag ni Ateneo head coach Tab Baldwin. “I’m happy with the fight we had inside of us.”

Tila pahiwatig ang kabiguan sa UP Maroons sa tunay na panganilag­an na palakasin ang kanilang hanay na inaasahang magaganap sa susunod na season matapos makuha ang serbisyo ng National player star na si Kobe Paras.

Kumabig din sa Ateneo sina Angelo Kouame na may 14 puntos, siyam na rebounds at limang blocks, habang tumipa si Matt Nieto ng 12 puntos at apat na assists.

Nanguna si Juan Gomez de Liano sa Maroons sa naiskor na career-best 29 puntos at anim na boards, habang umiskor si Paul Desiderio ng 15 puntos, anim na boards at anim na assists at nagsalansa­n si Bright Akhuetie ng walong puntos, 11 boards at siyam na assists.

Samantala, sinandigan nina Renzo Subido at Marvin Lee ang panalo ng University of Santo Tomas kontra Far Eastern University, 76-74. Marivic Awitan

Iskor:

ATENEO (87) - Ravena 17, Asistio 16, Kouame 14, Ma. Nieto 12, Mi. Nieto 7, Go 5, Mendoza 5, Wong 5, Verano 4, Black 2, Belangel 0, Navarro 0.

UP (79) - Ju. Gomez de Liano 29, Desiderio 15, Manzo 9, Akhuetie 8, Ja. Gomez de Liano 5, Murrell 4, Dario 3, Gozum 2, Prado 2, Vito 2, Jaboneta 0, Lim 0, Spencer 0, Tungcab 0.

Quarters: 25-24, 46-43, 67-58, 87-79

UST (76) – Subido 18, Lee 13, Marcos 12, Akomo 10, Huang 9, Cansino 7, Zamora 5, Mahinay 2, Consejo 0, Enrique 0, Bonleon 0

FEU (74) – Orizu 25, Cani 15, Escoto 13, Tolentino 5, Comboy 5, Parker 4, Tuffin 2, Ebona 2, Stockton 2, Inigo 0, Gonzalez 0

Quarters: 15-17, 39-32, 56-52, 76-74

 ?? RIO DELUVIO ?? SUKO NA BOSS! Tinawagan ng foul ng referee ang player ng University of Santo Tomas na si Garmy Mahinay sa isang tagpo ng laro kontra Far Eastern University nitong Miyerkoles sa Araneta Coliseum. Nakaungos ang Tigers, 76-74.
RIO DELUVIO SUKO NA BOSS! Tinawagan ng foul ng referee ang player ng University of Santo Tomas na si Garmy Mahinay sa isang tagpo ng laro kontra Far Eastern University nitong Miyerkoles sa Araneta Coliseum. Nakaungos ang Tigers, 76-74.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines