Balita

Warrant vs Trillanes, muling nabitin

- Bella Gamotea at Leonel M. Abasola

Hindi na naman nakapagpal­abas ng alias warrant of arrest at hold departure order (HDO) ang Makati City Regional Trial Court (RTC) laban kay Senador Antonio Trillanes IV, kahapon ng umaga.

Sa halip, binigyan ni Makati RTC Branch 148 Judge Andres Soriano ng 10 araw ang kampo ni Trillanes upang makapagsum­ite ng supplement­al comment bilang tugon sa mosyon ng Department of Justice (Doj) na humihiling sa hukuman na maglabas ng arrest warrant at HDO laban sa senador.

Limang araw naman ang ibinigay ng korte sa prosekusyo­n upang magpasa ng kanilang additional reply sa supplement­al comment ng kampo ng senador.

Iginiit naman ng abogado ni Trillanes na si Reynaldo Robles, na ang burden of proof ay nasa panig ng prosekusyo­n dahil pitong taon na ang nakararaan mula nang bigyan ng amnestiya at i-dismiss ng korte ang kasong kudeta laban sa kanyang kliyente.

Nangako rin si Robles na bibigyan si Judge Soriano ng kopya ng resolusyon o desisyon na inisyu ng Supreme Court.

Posible namang maglabas ng ruling ang korte sa nasabing mosyon ng Doj bago matapos ang Setyembre.

Kaugnay nito, mananatili pa rin ang senador sa Senado, kahit na wala pa ring ipinalalab­as na arrest warrant ang korte laban sa kanya.

Depensa ni Trillanes, pansamanta­la lang ang pananatili niya sa Senado habang pinag-aaralan nila kung kailan siya maaaring lumabas sa kustodiya ng Mataas na Kapulungan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines