Balita

Janine, inuunawa na lang ang bashers

- Ador V. Saluta

SENTRO pa rin ng atensiyon ng mga bashers at haters si

Janine Gutierrez, simula pa noong makatambal ng aktres si Alden Richards sa GMA-7 telefantas­ya ng huli na Victor Magtanggol. Pero tumindi pa ang bashing sa aktres nang magkaroon sila ng kissing scene ni Aldin sa serye.

Idinenay naman ng aktres na nakakabasa pa siya ng mga negatibong remarks laban sa kanya sa nakalipas na mga araw.

“Hindi ko alam, eh. Pinatay ko na ‘yung Twitter ko, eh,” bungad ni Janine sa storycon ng unang Regal movie niyang Elise.

“Sa Instagram, medyo meron, konti. Pero naiintindi­han ko naman po. Siyempre, nakakapani­bago po.

“And alam ko rin naman ‘yung feeling na kapag meron kang sobrang gusto na team-up, ‘di ba, o couple na talagang ... siyempre, andoon ang pagmamahal mo.

“So, naiintindi­han ko naman. Pero thankful din po ako na maraming sumusuport­a. Maraming excited. Lalo na po noong nag-Visayas kami, nag-Cebu and Bacolod. Madami po kaming na-meet doon na nanood ng Victor Magtanggol.

So, very thankful din po talaga.

Kumusta na sila ni Alden? May mga na-discover ba siyang bago sa Pambansang Bae?

“Si Alden, sobrang sayang katrabaho rin,” lahad ni Janine. “Komedyante rin siya behind the scenes, eh. ‘Yun ang isa sa mga hindi ko in-expect sa kanya before. Very maloko siya. Maraming hirit. Katropa niya lahat ng crew. Meron silang mga sariling inside jokes.

“Iyong mga lightsman, utility, ang saya lang nilang panoorin dahil mukha silang magbabarka­da. And ramdam mo talaga sa buong set ‘yung alaga niya sa lahat ng tao, at pagmamahal sa lahat ng tao.”

Paano siya kino-comfort ni Alden sakaling may nang-ookray sa kanya sa social media?

“Lagi lang po siyang nagtse-check before kung... ‘okay ka lang?’ Mga simpleng ganun. Na-appreciate ko po ‘yun dahil bilang leading man at bida, ganun po siya sa lahat ng tao sa show.

“Very gentleman siya sa lahat ng tao and nakita ko rin talaga kung bakit sobra ang pagmamahal sa kanya ng fans niya. Dahil he goes out of his way para makabati. ‘Yung trato niya sa fans niya, parang pamilya. So, parang lalo kong naiintindi­han kung bakit sobrang blessed siya.” Nakapag-bonding na ba sila kahit paano ni Maine

Mendoza, ang ka-love team ni Alden?

“Never ko pa po siyang na-meet,” kaswal na tugon ni Janine.

If ever magkita sila, awkward ba iyon para sa kanya? “Wala. Wala po. Wala naman po kaming isyu or anything.”

Bumalik na muli sa GMA Network ang sinasabing boyfriend niyang si Rayver Cruz. Posible bang magkasama sila sa trabaho?

“Well, may gagawin pa po siya with Kris Bernal.

And ako, nasa Victor pa. So, hopefully, sa mga susunod na project.”

Diretso ring sinagot ni Janine ang tanong kung sila na nga ba ni Rayver?

“Hindi pa,”matipid niyang sagot. Samantala, excited si Janine sa pelikulang Elise, kung saan gaganap siya bilang isang babaeng mala-anghel o mala-diyosa ang ganda.

Sabi ni Janine, challengin­g daw sa kanya ang role. “Challengin­g. Kasi, hindi naman po ganun ‘yung tingin ko sa sarili ko.” sabay tawa. “Kaya para makapag-portray ng character na talagang walang paki, super-confident, kailangan din pong itrabaho siya.”

Masaya ba siya na si Enchong Dee ang kanyang bagong leading man sa pelikula?

“Yes, excited,” nakangitin­g lahad ng dalaga. “Kasi, I’ve worked with him before, and nakikita ko kung gaano siya ka-dedicated. Nagkasama po kami sa Lila (2016), sa Sinag Maynila, pero horror. So ito, ibang-iba naman.” aniya.

 ??  ??
 ??  ?? Janine
Janine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines