Balita

Ika-28 labas

- R.V. VILLANUEVA

PARA kay Fermin, ang anumang balita, sanaysay o kuwento tungkol sa mga supernatur­al ay isang malaking katangahan, kalokohan o kundi man ay katatawana­n. Walang kainte-interes si Fermin na bumasa ng ano mang babasahing may kinalaman sa ganoong uri ng mababasa.

Sa isang bansa, si Nena, kahit medyo hindi rin siya naniniwala sa mga maligno, multo o supernatur­al, aywan kung bakit gustong-gusto naman niyang basahin ang mga ganitong istorya.

“Bakit kaya may bumibili pa ng mga ganyan klaseng d’yaryo?” sabi pa ni Fermin.

“Libangan,” aniyang parang iniinis ang asawa. “Sawa na kasi ang mga mambabasa sa mga patayan, gahasaan, kurapsiyon sa gobyerno at kung ano-anong nakakataas ng presyon at nakakababa ng moral.”

“Nakakadism­aya man at nakakawala ng gana ang mga balita ay wala tayong magagawa dahil ‘yan ang totoo,” giit ni Fermin.

“Malay moo naman kung totoo rin ang mga multo at malino?”

“Hoy, misis! Hindi balita ang tngkol sa mga ‘yan kundi tsismis. Kathang isip lang ‘yan ng mga tamad na reporter na gustong kumita ay tamad namang magtrabaho.”

Nakipagtal­o pa rin siya kay Fermin pero halatang iniinis lamang niya si Fermin. Iyon ay noong hindi pa niya nararanasa­n ang mga naging karanasan niya na nagsimula noong makontak nila si Mang Sinto at Lola Belen idagdag pa ang mga pagkakatao­ng nangyari sa kanila ni Fermin.

Pero iba na yata ngayon. Ngayon, siya na mismo ang nagdududa na hindi nga totoo ang mga nilalang supernatur­al. Bakit ngayon, nakakaramd­am na yata siya at nakakakita ng mga bagay na iba kaysa sa nakikita at nararamdam­an ni Fermin.

Siya mismo ang sumagot sa sarili niyang tanong: Hidni kasi naniniwala si Fermin sa mga supernatur­al kaya natural na walang epekto ang mga iyon sa kanya. Kaya naman unti-uni na siyang naniniwala sa mga hindi natural ay dahil nga may duda na siya sa kanyang isip. Hindi nga ba mas malakas ang isip kaysa sa materyal na bagay?

Hindi na ako dapat magduda. Parang pinipilit niya ang sarili. Hindi na ako dapat maniwalang mayroon ngang mga supernatur­al. Malaking kalokohan ang mga mali-maligno at multomulto. May tanga lang at mga sinaunang mga tao ang naloloko ng mga aswang, tikbalang, duwende at kung ano-ano pa!

Epekto yata ng mga naisip niya, tinamad yata siya. O napagod ba? Dati, pag wala si Fermin, hindi siya namamarati sa bahay. Kung may pasok sa patahian, pumapasok siya. Kung wala, nagtutungo siya kahit saan. Hindi siya mahilig magtigil sa bahay.

Kung ganitong natitigil siya sa bahay, kung walang gagawin, inaaliw niya ang sarili sa pagbabasa o panonood ng telebisyon. May maliit silang tv set sa loob ng kanilang silid.

Noon niya napuna ang pocketbook na nabitiwan niya. kinuha uli niya iyon. Binuklat-buklat. Hindi naman niya binasa. Kinuha niya ang remote ng TV. Binuksan. Inilipat-lipat ng channel. Wala siyang magustuhan­g palabas. Ini-off niya ang TV.

Hindi naman siya dating ganoon. Pinakiramd­aman niya ang sarili. Maysakit ba siya? Parang wala naman.

Muli, kumuha siya ng maraming babasahin mula sa kanyang mga taguan. Magasin, pocketbook­s, tabloid na kung saan may mga horror naman talaga siyang binasa. Bakit ba parang natatakot siya ngayong bumasa kahit na isang istoryang katatakuta­n?

Kinuha niya ang pocketbook na nabitiwan kanina at isinama sa mga iba pa ta ibinalik sa kanyang taguan. Anong hiwaga ito?

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines