MMTL Alumni cage fest sa Nob. 11

Balita - - Sports -

PAPAGITNA ang pinakamahuhusay na alumni players mula sa Metro Manila Tiong Lian teams sa ilalargang inaugural MMTL-Tanduay Athletics alumni basketball championships na nakatakda sa Nobyembre 11 sa Xavier School gym sa San Juan.

Kabuuang 11 koponan ang nagkumpirma ng paglahok sa torneo na hahatiin sa dalawang dibisyon—40 anyos pataas at 50 anyos pataas.

“We are looking forward to a successful launching in November with nine teams taking part in the 40-above category and seven teams joining in the 50-above class,” pahayag ni MMTL alumni project director Christian Tan matapos ang ginanap na organizational meeting sa Taipan Room ng Century Park Hotel Manila.

Dumating din sa pulong ang mga opisyal ng organizing committee at kinatawan ng mga koponan kabilang sina Lucio “Bong” Tan ng Tanduay Athletics, MMTL alumni operations head Johnny Tam, MMTL 40-above commissioner Horacio Lim and 50-above commissioner Roger Sia.

Ang mga kinatawan ng mga koponan ng Chiang Kai Shek College (Henry Ang), St. Peter School (Johnny Tan), St. Stephen High School (Martin Nocom), Uno High School (Remski Ngo), St. Jude High School (War Chua, Constantine Chua), Westminster (Antonio Balleta), Grace Christian College (Dexter Quan), Jubilee Christian (Jonathan Kwong) at Xavier (Brian Chua, Jean Alabanza)

Sasabak din ang Philippine Cultural College at Tiong Se High School.

Batay sa unang pagpapatala, ang mga kalahok ay ang mga sumusunod:

Siyam na koponan sa 40-above— Chiang Kai Shek College, St. Jude High School, Philippine Cultural College, Grace Christian, Uno High School, Jubilee Christian, St. Peter School, St. Stephen at Xavier.

Pitong koponan naman sa 50-above— Chiang Kai Shek College, St. Jude High School, Philippine Cultural College, Grace Christian, Uno High School, Westminster at Tiong Se.

Ang deadline sa pagkumpirma ng lahok ay sa Setyembre 18, at ang submission ng line-up ay sa Oktubre 5.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.