Balita

Ex-kap, tinodas sa harap ng mga anak

- Nina ERMA R. EDERA at MARY ANN SANTIAGO

Ibinulagta ang isang dating kapitan ng barangay sa harap ng apat niyang anak habang sila ay himbing sa loob ng kanilang bahay nang pasukin ng limang hindi pa nakikilala­ng suspek sa Pandacan, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ngs awtoridad ang nasawi na si Buanito Buan, 57, dating barangay chairman ng Barangay 849 Zone 93, District 6, at residente ng Ilang Ilang Street sa Pandacan, Maynila. Siya ay dead on the spot dahil sa mga tama ng bala sa ulo at katawan.

Napag-alaman na tumakbo pa siya ng isang termino bilang chairman nitong Mayo 2018, ngunit siya ay natalo.

Sa panayam sa Balita, sinabi ni Case Investigat­or PO3 Marlo San Pedro ng Manila Police District (MPD) na si Buanito at apat niyang anak ay natutulog sa loob ng iisang kuwarto nang pasukin ng apat sa mga suspek ang kanilang bahay sa Ilang Ilang St., sa Pandacan, Maynila, dakong 2:15 ng madaling araw.

Kinumpirma rin ni San Pedro na dalawa sa limang suspek ay lalaki.

Ayon sa kapitbahay nis Buanito, apat na hindi pa nakikilala­ng suspek na sakay sa motorsiklo, nakasuot ng helmet, ang pumarada sa tapat at pumasok sa bahay ng mga Buan.

Samantala, sa kuha ng closedcirc­uit television (CCTV) camera malapit sa lugar ay mapapanood na isa sa mga suspek ang nagpaiwan sa labas ng bahay upang magsilbing lookout.

Sinabi rin ni San Pedro na isa sa mga anak ni Buan ang nagsabi sa kanya na ang kanyang ama ay sangkot sa illegal drug activities.

Narekober sa pinangyari­han ang tatlong basyo ng bala ng .45 caliber.

Patuloy ang imbestigas­yon sa insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines