Balita

Bahay ni Trillanes, minamatyag­an

- Vanne Elaine P. Terrazola

Iginiit kahapon ni Senador Antonio Trillanes IV na ilang hindi kilalang lalaki ang nagmamatya­g sa kanyang bahay simula nang mapawalang-bisa ang kanyang amnestiya.

Kahapon, inilabas ng kanyang opisina ang kuha mula sa closed-circuit television (CCTV) sa labas ng kanyang bahay sa Antipolo City, Rizal.

Sa kuha ng CCTV, makikita ang isang silver Toyota Innova na nag-iikot sa paligid ng bahay ng senador, bandang 9:30 ng gabi nitong Setyembre 11.

Sa isang video clip, makikita ang driver ng sasakyan na sinisilip ang bahay ni Trillanes.

Malinaw ding nakuha ang mukha ng driversais­apangfoota­gemulasagu­ardhouse habang palabas ito ng subdibisyo­n, bagamat malabo ang mukha ng driver sa video na ipinamahag­i sa media.

Sa press briefing, sinabi ni Trillanes na ang kahina-hinalang sasakyan ang naging daan upang maniwala siya na minamatyag­an ang kanyang bahay.

Dalawang beses na umanong naikutan ng nasabing sasakyan ang bahay ng senador bago ito mapansin ng security.

Hindi rin umano isinuko ng driver ang kanyang lisensiya o anumang ID sa mga guwardiya. At nang lumabas ay iniwasan ang tanong ng mga guwardiya hanggang sa umalis.

Sa ngayon, inaalam na ng kampo ni Trillanes ang pagkakakil­anlan ng mayari ng sasakyan at ng driver.

Noong nakaraang linggo, sinabi rin ni Trillanes na ilang lalaking sakay sa motorsiklo ang sumusunod sa kanyang sasakyan matapos niyang ihayag na plano niyang umuwi matapos na mamalagi sa loob ng Senado sa nakalipas na mga linggo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines