Balita

DoST nagbabala vs nawawalang radioactiv­e equipment

- Dhel Nazario

Isang scientific equipment na maaaring mapanganib dahil nagtatagla­y ito ng radioactiv­e materials ang iniulat na nawawala nitong nakaraang buwan, sinabi kahapon ng Department of Science and Technology (DoST).

Ang TROXLER 3440 na ginagamit sa pagsubok sa lupa, aspalto, at concrete materials ay iniulat na naiwala ng isang licensee, ayon sa DOST-Philippine Nuclear Research Institute (DoST-PNRI) at ini-report na sa Norzagaray Municipal Police Station.

Ipinaalam na ng DoST-PNRI ang insidente sa Philippine National Police at sa Office of Civil Defense at humiling ng tulong para mahanap ang nawawalang kagamitan.

Ang kagamitan ay isang moisture density gauge, na ginamit ng PNRI licensee, isang industrial firm. May bigat itong 41 kg, at nakalagay sa isang transport ‘orange-colored’ box na may sukat na 30 x 14 x 17 inches.

Ayon sa DoST, fully shielded ang moisture density gauge at ligtas kung hindi gagalawin.

Gayunman, maaaring magdulot ng panganib ang kagamitan dahil ito ay nagtatagla­y ng radioactiv­e materials na nagpapakaw­ala ng mataas na antas ng ionizing radiation. Pinapayuha­n mga makakakita sa device na huwag itong buksan o sirain ang lagayan nito para maiwasan ang exposure sa mapinsalan­g radiation rays

Kaagad din itong ipagbigay alam sa pulisya o makipag-ugnayan sa DoST-PNRI.

Inaalerto ang scrap metal dealers at buyers ng used metal items habang pinapayuha­n ang medical practition­ers sa posibilida­d na may mga pasyenteng makikitaan ng mga sintomas ng radiation exposure.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines