Balita

‘Unificatio­n’ sigaw sa Kim-Moon summit

- NIYAYAKAP

SEOUL (Reuters) – Libu-libong North Koreans ang sumigaw ng “Unificatio­n!” at nagwagaywa­y ng mga bulaklak habang nagpaparad­a ang kanilang lider na si Kim Jong Un at si South Korean President Moon Jae-in sa Pyongyang kahapon, bago ang summit na naglalayon­g buhayin ang naudlot na nuclear diplomacy.

Sinalubong ni Kim si Moon ng mga yakap at ngiti sa paglapag ng South Korean leader sa kabisera ng North para palakasin ang lumalamyan­g negosasyon sa pagitan ng Washington at Pyongyang kaugnay sa denucleari­zation at posibilida­d ng opisyal na pagwawakas ng Korean War.

Tampok sa malaking welcome ceremony sa Pyongyang Internatio­nal Airport ang goose-stepping honor guard at military band.

Kasunod nito ay bumiyahe ang dalawang lider sakay ng itim na Mercedes limousine na may open-top rear seats patungong Paekhwawon State Guest House, kung saan mananatili si Moon sa loob ng tatlong araw niyang pagbibisit­a.

Sandaling lumabas sina Kim at Moon sa sasakyan para bumati at tanggapin ang mga bulaklak mula sa mga tao na nagwagaywa­y ng mga bandila at sumigaw ng “Motherland! Unificatio­n!”

Magdadaos sina Kim at Moon ng formal talks mula 3:30 ng hapon hanggang 5:00 ng hapon, ayon sa opisina ni Moon.

Kasama ni Moon sa biyahe ang South Korean business tycoons, kabilang ang Samsung scion na si Jay Y. Lee at mga hepe ng SK Group at LG Group. Makikipagp­uong sila kina North Korean Deputy Prime Minister Ri Ryong Nam, na namamamaha­la sa economic affairs.

Ngayong araw, binabalak nina Moon at Kim na magdaos ng ikalawang serye ng mga opisyal na pag-uusap at pagkatapos ay inaasahang maglalabas sila ng joint statement, at hiwalay na military pact na dinisenyo para mabura ang mga tensiyon at maiwasan ang armadong sagupaan. Babalik si Moon sa Seoul bukas ng umaga.

 ?? AP/Korea Broadcasti­ng System ?? ni North Korean leader Kim Jong Un (kanan) si South Korean President Moon Jae-in sa pagdating nito sa Pyongyang, North Korea, kahapon. Lumapag si Moon sa Pyongyang para sa ikatlong pagpupulon­g nila ni Kim ngayong taon.
AP/Korea Broadcasti­ng System ni North Korean leader Kim Jong Un (kanan) si South Korean President Moon Jae-in sa pagdating nito sa Pyongyang, North Korea, kahapon. Lumapag si Moon sa Pyongyang para sa ikatlong pagpupulon­g nila ni Kim ngayong taon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines