Balita

Hazing-slay kay ‘Atio’, ginunita

- Erma R. Edera

“The time for the healing of wounds has come for the hazing case of Horacio “Atio” Castillo III,” pahayag ni Secretary-General of the University of Santo Tomas (UST) Rev. Fr. Jesus Miranda O.P., sa isang alay na misa sa UST Santisimo Rosario Parish, nitong Lunes.

Isang taon makalipas ang insidente, nagdaos ng memorial service ang Faculty of Civil Law Student Council bilang paggunita sa pagkamatay ng Civil Law freshman student ng UST.

“After a year, don’t you think it’s about time that total healing would already happen? Time heals wounds. It could be healed through prayers and it can also be healed if justice will be served to those responsibl­e for such an abominable incident,” ani Miranda.

Ayon kay Miranda, ang insidente ay hindi lamang nagdulot ng “sakit” sa pamilya ni Castillo kundi gayundin sa buong unibersida­d. Gayunman, para sa ina ni Atio na si Carmina Castillo, kasabay ng pagkamatay ng kanilang anak ay ang pagtigil ng oras para sa kanila.

“We remember every hour, every minute we felt scared he was missing. It was so fresh. I could remember every step. It was as if we stopped there, it is almost a year [but] it doesn’t seem like a year,” pahayag niya.

“We feel na nandun pa rin kami, that particular day. ‘Yung particular time, Sept. 17,” pahayag ni Carmina.

DISBARMENT CASE Nitong Setyembre 4, ibinalita ng ama ni Atio, si Horacio Jr., na malapit nang mailabas ng Korte Suprema ang nakabimbin na disbarment case laban sa UST Faculty of Civil Law Dean Nilo Divina at sa 20 iba pang abugado.

Iginiit ni Carmina na nagkipagtu­lungan ang Aegis Juris kay Dean Divina upang pagtakpan ang pagkamatay ni Atio.

Dagdag pa niya, matapos tanggapin ng SC ang committee report ni Sen. Panfilo Lacson hinggil sa naganap na hazing, kumilos ang korte kahit walang sinumang naghahain ng disbarment case.

Ipinapauba­ya naman ni Divina sa pamilya ang kaso laban sa kanya kung nais ng mga ito na ituloy ang kaso, bagamat naninindig­an ang dekana na wala siyang kinalaman sa insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines