Balita

Police asset utas sa dating kasamahan

- Jun Fabon

Patay ang police asset nang barilin ng dating kasamahan sa ilegal na droga, na napatay din kalaunan, gayundin ang dalawa umanong holdaper sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Sa report ni Police Supt. Alex Alberto, hepe ng Quezon City Police District-PS6 (Talipapa), kinilala ang dalawa sa mga nasawi na sina alyas Tom at Gelo, nasa edad 25-30, habang patuloy na inaalam ang pagkakakil­anlan ng mga umano’y holdaper.

Sa imbestigas­yon ng QCPD-Criminal Investigat­ion and Detection Unit (CIDU), ikinasa ang buy-bust operation sa Matchaca compound, Don Faustino Subdivisio­n, Barangay Culiat, Quezon City, dakong 1:45 ng madaling araw.

Si Tom, na dating sangkot sa droga, ang nagsilbing poseur-buyer at sa gitna ng transaksiy­on ay namukhaan siya ng dating kasamahan na si Gelo.

Sa puntong ito, binaril ni Gelo si Tom at agad na sumalakay ang awtoridad at bumulagta ang una.

Narekober sa lugar ang mga bala ng caliber .38, mga bala ng 9mm, mga pakete ng umano’y shabu, at buy-bust money.

Una rito, hinoldap at tinangayan ng alahas at salapi ng dalawang lalaki sina Arjay Marte at Muriel Anthony Villegas sa Road 10, Alley 32 Project 6, Quezon City, dakong 12:20 ng madaling araw.

Nagkataon na rumuronda ang mga tauhan ng Masambong pulis sa lugar at namataan ang ginawa ng mga suspek.

Dahil dito, sinita ng awtoridad ang mga suspek subalit sa halip na sumuko ay binaril umano ng mga ito ang mga pulis kaya humantong sa habulan.

Nakorner ang mga suspek sa dulo ng Alley 32, subalit hindi pa rin umano sumuko ang mga ito at nakipagbar­ilan na kanilang ikinasawi.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines