Balita

R19-M pananim, R174-M irigasyon winasak ng bagyo

- Light A. Nolasco

NUEVA ECIJA – Umabot sa P18.9 milyong pananim at P17 milyong irigasyon ang nasira sa pagbayo ng bagyong "Ompong" sa probinsiya­ng ito, ayon sa isang opisyal ng National Irrigation Administra­tion-Upper Pampanga River Integrated Irrigation System (NIA-UPRIIS).

Samantala, iniulat kahapon ng Nueva Ecija Prolice Provincial 0ffice

(NEPPO) na isang apat na buwang buntis ang nasawi sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Ompong sa San Jose City.

Kinilala ang biktima na si Catherine Garcia, 23, ng Zone I, Barangay Calaocan. Ayon kay Police Senior Supt. Eliseo T. Tanding, Nueva Ecija Police director, nasawi si Garcia nang mabagsakan ng punong mangga ang kanilang bahay.

Sa ulat naman ng NIA-UPRIIS, inihayag ni Engr. Arnel Domingo, NIA-UPRIIS Division-3 chief, na 756 na ektaryang taniman ang sinira ng Ompong.

Apektado ang nasa 284 na magsasaka sa Cabanatuan City, mga bayan ng

Aliaga, Zaragoza, Sta. Rosa, Jaen, at San Antonio, Nueva Ecija.

Pinakamati­nding napinsala ang 370 ektaryang sakahan sa San Antonio, na nagkakahal­aga ng P9.2 milyon; ang 162 ektaryang palayan ng Aliaga, na nagkakahal­aga ng P4 milyon.

Nangawasak din ang irrigation infrastruc­ture, na halagang P174 milyon. Nagiba rin ang PampangaBo­ngabon River Integrated Irrigation Systems, Pinagsugal­an Creek, Sanggalang Creek sa Jaen, gayundin ang mga kanal at kalsada sa Cabanatuan City at Sta. Rosa, Nueva Ecija; steelgates at floodway control sa Zaragoza at sloped protection dikes sa San Antonio, Nueva Ecija, at Aliaga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines