Balita

R1M pabuya vs businessma­n killer

- Lyka Manalo

LEMERY, Batangas - "Sobrang sakit ng ginawa mo sa pamilya namin, sinira mo ang buhay namin, halos 50 percent ng buhay namin wala na, kaya dapat pagbayaran mo ang ginawa mo, sumuko ka na!"

Ito ang naging mensahe ni Mark John Martinez, 37, kay Rickson Closa na itinuturon­g suspek sa pagpatay sa kanyang amang si Orlando Martinez, isang prominente­ng negosyante sa Lemery, Batangas.

Si Closa ay nahaharap sa kasong murder at may arrest warrant na inisyu ni Executive Judge Mary Jane Valeza-Maranan ng Regional Trial Court (RTC) Lemery, na may petsang Agosto 29, 2018.

Si Orlando, 60, ay pinagbabar­il habang sakay sa bisikleta sa Palanas Bridge, Barangay Palanas noong Hulyo 21, dakong 5:35 ng madaling araw.

Naniniwala umano ang pamilya Martinez na ang pagkakauta­ng ng suspek ang motibo sa pamamaslan­g.

Ayon sa pamilya, isang araw bago ang pamamaril ay nagkasagut­an sa telepono ang biktima at suspek dahil sa subpoena na inisyu kay Closa.

Tinulungan umano ng biktima si Closa sa mga negosyo nito, gayundin sa pagtatayo ng gasolinaha­n kung saan pinahiram ng gasolina ang suspek sa halagang P800,000.

Ayon naman kay Chief Inspector Alfie Salang, hepe ng Lemery Police, nakilala umano ng saksi ang suspek at natukoy sa kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera ang Honda CRV na ginamit sa pagtakas.

Tinakpan umano ang conduction sticker ng sasakyan subalit nang mapagtagni-tagni ang mga footages mula Lemery hanggang Alitagtag ay natukoy ang nasabing sasakyan na umano’y pag-aari ng suspek.

Kaugnay nito, naglaan ng P1M milyong pabuya ang pamilya sa sinumang makapagtut­uro sa suspek. Maaaring makipag-ugnayan at tumawag sa 0977740753­4 o sa awtoridad.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines