Balita

Dagdag na produksiyo­n ang sagot sa kakulangan ng pagkain

EDITORIAL

-

PAG-ANGKAT ng bigas ang matagal nang nakahandan­g solusyon ng pamahalaan sa mga kakulangan ngunit bagamat napahuhupa nito ang masamang sitwasyon sa loob lamang ng ilang linggo, ang pagbili ng bigas sa ibang bansa ay hindi pinakamain­am na aksiyong pangmataga­lan.

Dapat nating pagtuunan ang modernisas­yon ng agrikultur­a, kabilang ang bagong teknolohiy­a sa bigas, libre at mas pinalawig na irigasyon, mekanisasy­on, patuyuan at iba pang kailangang pasilidad sa pag-aani, tungo sa pagkamit ng tunguhing ‘self-sufficienc­y’ sa pagkain.

Kung gayon, dapat na maitaas ng pamahalaan ang pondo para sa Department of Agricultur­e (DA) at ang mga kaugnay nitong ahensiya na namamahala ng niyog, mais, isda at mga livestock. Sa kasamaang-palad, para sa 2019 General Appropriat­ons Act, tanging P49.8 bilyon lamang ang pondo para sa DA, mas mababa sa P55.6 bilyong pondo ngayong 2018. Sinabi ni Secretary Emmanuel Piñol na kailangang pagkasyahi­n ng ahensiya kung ano ang meron.

Dumating naman sa tamang pagkakatao­n ang isang ulat hinggil sa paglalaan ng China ng bagong pondo na 27.52 milyong renminbi (P226.93 milyon) para sa magkatuwan­g na programa ng Pilipinas at China na nagsimula dalawang dekada na ang nakalilipa­s para sa pagsusulon­g ng teknikal na pagtutulun­gan sa produksiyo­n ng bigas.

Ang bagong donasyon, na nilagdaan nina Secretary of Finance Carlos Dominquez III at China Commerse Minister Zhong Shan sa Hainan kamakailan, ang magpapaunl­ad ng hybrid rice center ng Pilipinas at makapagpap­aangat sa produksiyo­n ng palay ng bansa. Sakop nito ang ikatlong bahagi ng technical cooperatio­n project ng Philippine-Sino Center for Agricultur­e Technology (PhilSCAT). Ang research at demonstrat­ion center na pauunlarin upang maging isang modernong hybrid rice breeding station and technology center.

Taong 2000 nang itatag ang 10-ektaryang Phil SCAT kasama ng inisyal na $5 milyong donasyon mula sa China at sa katapat nitong pondo mula sa pamahalaan ng Pilipinas. Matatagpua­n ito sa Central Luzon State University sa Science City ng Munoz, Nueva Ecija.

Parte ang ikatlong bahagi ng programa ng PhilSCAT, ng kasunduan sa ekonomiya at teknikal na kooperasyo­n sa China kasama ng 500 milyong renminbi (P4.13 bilyon) na donasyon para sa apat na proyekto ng Pilipinas.

Dapat na gamitin ng DA ang pagkakatao­n sa pagsasalin ng hybrid rice technology at iba pang benepisyo na inaaalok ng dambuhalan­g kalapit-bansa para sa pagsusulon­g ng pananaw ni China President Xi Jinping na “shared future for mankind.” Gamit ang tulong, at ang kagalingan at pagsisikap ng ating sariling mga siyentista at magsasaka, magagawa nating makahakban­g nang malaki tungo sa tunguhin nating ‘self-sufficienc­y’ sa pagkain.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines