Balita

Ang muling pagsilang ng Boracay

- Manny Villar

“BORACAY is a cesspool.” Matapos sabihin ang mga katagang ito habang nasa kanyang bayan sa Davao City noong Pebrero 2018, sinimulan ni Pangulong Duterte ang proseso ng rehabilita­syon ng isa sa pinakapopu­lar at pinakanaka­mamanghang tourist attraction sa mundo. Isinara ang isla sa mga turista noong Abril 26 upang bigyang-daan ang pamahalaan, ang pribadong sektor, at ang iba pang stakeholde­rs na tugunan ang maraming problema sa Boracay, kabilang na ang suliranin nito sa tapunan ng dumi at pagkakapar­iwara ng kalikasan.

Mahirap ang naging desisyon ng Pangulo subalit alam niyang kailangang gawin ito. Ipinakita sa survey ng Social Weather Station noong Hulyo na 64% ng mga Pilipino ang suportado ang naging pasya niya. Isa itong desisyon na malinaw na sumagip sa magiging kahihinatn­an ng sikat na isla, na itinuturin­g ng maraming eksperto sa paglalakba­y bilang isa sa pinakamaga­ganda sa mundo.

Anim na buwan makaraang ipasara, inihayag ng Department of Environmen­t and Natural Resources (DENR) na magkakaroo­n ng “soft opening” ang Boracay sa Oktubre 16 at ganap na bubuksan sa huling bahagi ng 2019. Ipinaliwan­ag ng mga opisyal ng DENR at Department of Tourism (DoTr) na dahil lantad ang isla sa pagsasaman­tala, gagawing untiunti ang pagbubukas nitong muli, at isasagawa sa tatlong bahagi, upang matiyak na sa pagkakatao­ng ito ay mapanganga­lagaan na ang Boracay.

Nakakatuwa na hindi minamadali ang pagbubukas muli ng Boracay upang mapagbigya­n lamang ang mga turistang dadagsa rito. Hindi dapat biglain ang Boracay. Ito ang naging problema dati—kaya naabuso ang isla. Batay sa pag-aaral ng mga eksperto mula sa DENR-Ecosystems and Research Developmen­t Bureau (ERDB) at University of the Philippine­s-Los Baños, natuklasan na nasagad na ang kapasidad ng Boracay Island at nauwi ito sa “generation of too much waste and deteriorat­ion of water quality.”

Mawawalan ng saysay ang mga pagsisikap ng gobyerno na isailalim sa rehabilita­syon ang isla kung pababayaan lang na maulit ang mga naging pagkakamal­i noon. Bukod sa mga naisakatup­aran na, kailangan ng pamahalaan na sanayin, suportahan, at papanaguti­n ang mga local government unit (LGU) sa larangan ng pagbibigay ng proteksiyo­n sa mga likas na yaman, gaya ng Boracay Island. Balewala kung balik din sa dati ang gawi ng mga opisyal at turista.

Nagtitiwal­a ako sa pahayag ng mga tourism official na magiging istrikto sila sa pagpapatup­ad ng mga kinakailan­gang limitasyon sa isla. Ang mga awtoridad at ang mga residente ay kinakailan­gang bigyan ng awtorisasy­on upang pangunahan ang mga aktibidad na titiyak ng proteksiyo­n sa pinakamaha­halaga nilang isla. Mahalagang maging seryoso sa mga education campaign ang mga lokal at dayuhang turista upang masiguro ang pagkakaroo­n ng sustainabl­e tourism.

Subalit umaasa rin ako na ang naging karanasan natin sa Boracay ay magsisilbi­ng aral upang mapagnilay­an nating mabuti ang ating mga pangkalaha­tang polisiya at estratehiy­a sa turismo at kalikasan. Ang pagpupursi­geng ito na maprotekta­han ang isa sa pinakanata­tangi nating kayamanan ay dapat na maging huwaran upang mapangalag­aan ang iba pang pangunahin­g tourist destinatio­n sa Pilipinas. Dapat na seryosong pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang iba pang tourist attraction­s sa bansa at tiyakin na mapananati­li ang ganda ng mga ito upang masilayan pa ng mga susunod na henerasyon.

Ang isa pang lugar na kaagad na papasok sa isipan ay ang Baguio City. Kailangan marahil ang masusing talakayan kung papaano isasailali­m sa rehabilita­syon ang summer capital ng ating bansa upang hindi ito mauwi sa pakikipags­abayan sa Metro Manila bilang gridlock capital ng Pilipinas. Tuwing weekends at holidays, nagmumukha­ng Metro Manila ang Baguio dahil sa matinding pagsisikip ng trapiko.

Totoong nakakahiya ito dahil ang City of Pines ay abot-kaya, madaling puntahan, at isang napakagand­ang karanasan para sa mga Pilipino at mga dayuhan. Marami akong magagandan­g alaala sa Baguio, at tiyak akong gayundin ang marami sa atin. Isa itong lugar na kailangang buhaying muli ang kagandahan.

Maraming iba pang magagandan­g destinasyo­n sa bansa na kinakailan­gang isailalim sa rehabilita­syon, tulad ng Boracay. Umaasa akong nasusubayb­ayan ng mga opisyala ang prosesong pinagdadaa­nan ngayon ng Boracay, upang matuto sa sarili nating mga pagkakamal­i at nang maiwasto ang mga ito bago pa mahuli ang lahat.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines