Balita

Emmy-winning director, nagwagi ulit sa on-air proposal

- Glen at Jan Agence France-Presse

NAGING romantic naman ang Emmy Awards nitong Lunes nang isa mga sa nagwagi sa gawad parangal ang nag-alok ng kasal sa kanyang kasintahan, habang live broadcast. Binigyan naman ito ng standing ovation ng mga nagulantan­g din na audience na binubuo ng Hollywood A-listers.

Nasungkit ni Glenn Weiss ang parangal para sa Best Directing of a Variety Special para sa kanyang nagawa sa Oscars. Nang tinanggap niya ang award, ay sabay niyang inalok ng kasal ang girlfriend niyang si Jan Svendsen, na nakaupo sa audience seat.

“You wonder why I don’t like to call you my girlfriend? Because I want to call you my wife,” sabi pa niya, na hiniyawan at pinalakpak­an ng ng mga actors na ang iba pa nga ay maluha-luha.

Kalaunan ay pinuntahan ni Jan si Glenn sa stage at lumuhod si Glenn sa harap ni Jan para pormal na magpropose.

Sa simula ng kanyang speech, inihayag ni Glenn na ang kanyang award-winning moment ay bitterswee­t, dahil kamamatay lang ng kanyang ina, dalawang linggo lamang ang nakalipas.

“Part of my heart is broken,” aniya. “I don’t think it will ever be repaired.

“But she’s in me and she always will be,” dagdag pa niya. “Mom always believed in finding the sunshine in things and she adored my girlfriend Jan.”

“Jan, you are the sunshine in my life, and Mom was right, don’t ever let go of your sunshine.”

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines