Balita

PSC-PSI Sports seminar sa BP

- Annie Abad

BAGUIO City -- Tinatawaga­n ng pansin ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mga coaches, trainer, at ang lahat ng interesado na lumahok sa libreng seminar ng PSC-PSI Sports Sciences Series ng Batang Pinoy 2018 Seminars sa Department of Education Training Center sa Benguet.

Mismong si Philippine Sports Institute (PSI) grassroots deputy director Marlon Malbog ang siyang nanawagan para sa mga interesado na lumahok sa nasabing seminar na nagsimula pa noong Lunes, Setyembre 17 at tatagal ng 5 araw o hanggang Biyernes, Set. 21.

Layunin ng nasabing seminar na maipaliwan­ag ang lang mga paksa gaya ng Strength and Conditioni­ng, Physiology at Sports Psychology na magsisimul­a sa ala 11:30 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi.

Ikinasiya naman ni Malbog ang interes ng mga delegasyon ng Batang Pinoy hinggil sa nasabing seminar.

“Batang Pinoy delegates were receptive and were very interested in every topic handled by our partner experts,” pahayag kahapon ni Malbog. “It is also a good indication that applying sports science and sports medicine in training an athlete will be seriously considered especially by coaches.”

Sa mga inreresado pumunta lang sa lugar at madagdagaa­n ang kaalaman sa sports. Pwede ring makipag-ugnayan lang kina Joanne Laygo Limon, Mylene Velasco Lyba at Edwin Llanes sa mga celfone na 0916 377 0510, 0915 585 5932 at 0917 344 4706.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines