Balita

PTT Run, iniurong sa Sept. 22

-

BUNSOD nang kalamidad na idinulot ng bagyong ‘Ompong’, napagdesis­yunan ng organizers ng PTT Run for Clean Energy Year 2 na iurong sa Sabao (Sept. 22) ang charity run sa Cultural Center of the Philippine­s Grounds.

Matapos malubog sa baha at basura ang malaking bahagi ng CCP grounds at kalapit na Manila Baywalk area, binigyan pansin ng organizers ang kaligtasan at seguridad ng mga kalahok.

“We would have continued with it, rain or shine, but the route was quite dangerous for participan­ts,” pahayag ni Subterrane­an Ideas project manager Matt Ardina.

Gustuhin man, ayon kay Ardina, wala nang availabne na iskedyul para sa Linggo kung kaya’t napagdesis­yunan na sa sabado na ito isagawa.

Bukas pa ang pagpapatal­a hanggang Sept. 20 sa Chris Sports Outlets at SM Manila, SM Mall of Asia at SM North EDSA. Puwede rin ang onsite registrati­on isang oras bago ang patakbo. Sa mga interesado­ng lumahok, makipagugn­ayan sa 0918600241­1 (Smart), 0995324831­5 (Globe) at landline 9759584.

Ang patakbo ay itinataguy­od ng PTT Lubricants, Cafe Amazon, Wish 107.5, Chris Sports, Milcu, Leslie’s Corp., ChloRelief, Lubie, Coca-Cola, La Filipina, Emilio Aguinaldo College, Maynilad, Herbalife, Vegemore, Science in Sport, Medicard Foundation, Ripples Daily, Gold Seas, Maynilad, Business Mirror and Business Mirror Health and Fitness Magazine, Village Connect, Philippine School of Business Administra­tion, Mariano Marcos High School Batch ‘91 at St. Dominic College.

Nakalaan ang smartphone­s, home camera, headphones, bluetooth speakers, watches at iba pang sopresang regalo sa raffle na isasagawa matapos ang karera.

Bibigyan din ng kasiyahan ang mga kalahok ng mini concert na pangunguna­han ng Cahlio band at up-and-coming Dotty Chan at Yela.

Ang bahagi ng kikitan sa karera ay ipagkakalo­ob sa environmen­tal program ng PTT Philippine­s Foundation, na nakatuon sa mga proyekto tulad ng Sibol, Re-Greening the Marikina Watershed, Gas Up for a Tree at Bakajuan.

Ang race categories ay 10k (P520), 5k (P420) at 3k (P320), na may kasamang race shirt, race bib at giveaways. Tatanggap ng premyo at medalya ang mangunguna­ng tatlong runners sa bawat kategorya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines