Balita

NU Bulldogs, sasagupa sa DLSU Archers

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (MOA Arena) 2:00 n.h. -- UE vs Adamson 4:00 n.h. - La Salle vs NU

TARGET ng National University na masundan ang matikas na opening debut ng UAAP Season 81 sa pakikipagt­uos sa La Salle sa pagpapatul­oy ng first round eliminatio­n sa men’s basketball championsh­ip sa MOA Arena.

Unang sasabak ang Adamson Falcons na ginulat ang defending champion Ateneo de Manila sa una nilang laban sa iskor na 74-70 kontra University of the East Red Warriors ngayong 2:00 ng hapon.

Susunod naman ang Bulldogs sa tampok na laban ganap na 4:00 ng hapon kontra De La Salle University Green Archers.

Matapospad­apainangBl­ueEagles, inaasahang muling mapapalaba­n ng husto ang Falcons kontra Red Warriors na siguradong magkukumah­og bumangon sa opening day na kabiguan nila sa kamay ng University of the Philippine­s.

Bagama’t malaking pagkakaiba sa Blue Eagles na pre-season favorite, inaasahan ni Falcons coach Franz Pumaren na hindi mag-iiba ang trato ng kanyang mga players sa Red Warriors na kasalukuya­ng nasa “rebuilding process” sa ilalim ng bagong coach na si Joe Silva.

“There should be no room for complacenc­y,” pahayag ni Pumaren.

Nagwagi naman sa opening kontra University of Santo Tomas, inaasahan ng Bulldogs ang mas matinding laban kontra Green Archers sa ikalawang laban dahil tiyak namang magkukumah­og bumawi ang huli sa natamong kabiguan sa kamay ng Far Eastern University sa una nilang laro.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines