Balita

Mojdeh, bumida sa Batang Pinoy swimming

- Ni ANNIE ABAD

BAGUIO CITY -- Sa kabila ng malamig na panahon dulot nang pananalasa ng bagyong Ompong, mainit ang kampanya ni Micaela Jasmine Mojdeh sa nakamit na tatlong gintong medalya sa swimming competitio­n ng Batang Pinoy National Finals 2018 sa Baguio National High School Swimming Pool dito.

Matapos makuha ang unang ginto sa 100m butterfly event sa unang araw ng kompetisyo­n, agad na rumatsada si Mojdeh para pagbidahan ang Individual medley sa tyempong 5:37.36 at sa 50m Butterfly event sa 30.57 segundo.

Itatala sana ng 13-anyos na si Mojdeh ang kanyang ikaapat na ginto, ngunit kinapos sa 200M Breaststro­ke kung saan naungusan siya ng kanyang mahigpit na kalaban na si Roz Ciaralene Encarnacio­n ng Laguna Province sa apat na segundo sa orasan, (2:59.68) at (2:55.02).

“Sobrang lamig po. Nag crumps na po ako tsaka hindi na po kaya ng sikmura ko kaya hindi po ako umabot,” pahayag ni Mojdeh na nakakuha ng kanyang silver sa nasabing event.

Si Mojdeh ay kabilang sa mga atleta na pinarangal­an ng PSC POC Media Group sa Siklab Awards noong nakaraang Hulyo, matapos ang kanyang magandang performanc­e sa Palarong Pambansa, kung saan humakot ito ng anim na ginto at sa Luzon leg ng Batang Pinoy.

Sa archery, nakuha ni Carleen Sophia Flores ng La Union ang ginto sa Yeoman girls 72 round sa kanyang naitalang 644 puntos at inungusan ang mga nakalaban na sina Grace Signacion ng South Cotabato na may 621 puntos na naitala para sa silver habang si Samantha Isabel Loreno naman ng City of Koronadal ay may naitlang 610.

Sa Yeoman boys sa archery pa rin, naghari si Christian Limwell Gabiosa ng City of Koronadal sa kanyang naitalang 686 puntos, habang ang kakampi niya na si Justine Matthew Basadre ay pumuwesto naman sa ikalawa sa kanyang 675 puntos para sa silver, at bronze naman ang kay Quin Myerr Loreno ng South Cotabato sa 674 puntos para sa bronze.

Sa Bowman Girls and boys 72 round, nagwagi sina Francine Sophia Navor ng La Union para sa gold para sa girls event, at si Jeremiah Adrian Basadre naman ng City of Koronadal ang naghari para sa gold ng boys event.

Sa taekwondo, dalawang ginto ang napagwagih­an ng pambato ng Pangasinan sa Junior Invidual male at junior pair poomsae event matapos na manaig sa kanyang mga nakalaban.

Si James Oranza ay nakakuha ng ginto sa Junior male individual matapos natalunin sina Johann Abelard Concepcion ng Cebu City na nag-uwi ng silver at sina Justin Kobe Macario ng Baguio City at isa pang bronze para kay Dennis Francis Arquero ng Cebu City.

Sa Individual Female (poomsae) nanaig si Cindy Joy Diasnes ng Iloilo para sa ginto kontra Sophia Marie Tungala at Laeia Simoune Soria ng Baguio City at Jilian Gardose ng Antique.

Sa Medal tally, kasalukuya­ng nasa unang puwesto ang Lucena City sa kanilang 5-1-0 gold-bronzesilv­er (G-S-B) kasunod ang General Santos City na mya 5-0-3, habang ang Quezon City naman ay nasa ikatlong puwesto sa kanilang 4-1-1 samantalan­g nasa ikaaapt na puwesto ang Laguna Province 4-0-2 at ikalimang puwesto naman ang host city na Baguio sa 3-8-8.

 ??  ?? MOJDEH! BP swimming princess
MOJDEH! BP swimming princess

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines