Balita

SA’N SI MAYOR?

Mahigit 10 ‘nang-iwan sa ere’ habang bagyo, kakasuhan

- Ni CHITO A. CHAVEZ May ulat ni Beth Camia

Dahil wala sa kani-kanilang munisipali­dad habang nananalasa ang bagyong ‘Ompong’, mahigit 10 alkalde sa Cagayan Valley Region at Cordillera Administra­tive Region (CAR) ang iniimbesti­gahan ngayon at posibleng makasuhan dahil sa kapabayaan, ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG).

“We were surprised with the reports received at the Central Office of absentee mayors whose local government units (LGUs) are part of the critical areas in the typhoon Ompong track,” sinabi ni DILG Undersecre­tary for Peace and Order Bernardo C. Florece, Jr. sa press conference kahapon sa central office sa Quezon City.

Batay sa mga Operation Listo protocol ng DILG, ang mga alkalde na ang munisipali­dad ay isinailali­m sa alertong Alpha (low-risk areas), Bravo (medium-risk areas), at Charlie (high-risk areas) sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo ay inoobligan­g magkasa ng mga kinakailan­gang paghahanda laban sa kalamidad.

Kinumpirma ni Florece na iniimbesti­gahan na ng DILG at binavalida­te ang mga report laban sa nasabing mga alkalde, na kapag napatunaya­ng nagkasala sa absenteeis­m at negligence of duty ay maaaring sampahan ng kasong administra­tibo.

“For cases filed within the DILG, the biggest sanction that LCEs (local government executives) will face can be suspension but for cases filed under the Ombudsman, the erring mayors could face dismissal,” sabi ni Florece.

Sinabi naman ni DILG Assistant Secretary at Spokespers­on Jonathan E. Malaya na hindi pa nila pinapangal­anan ang nasabing mga alkalde dahil sinusuri pa ng kagawaran ang mga hakbanging ipinatupad ng mga nasabing opisyal kaugnay ng Operation Listo protocols.

“The Department doesn’t want trial by publicity so the actual names of erring mayors will be released after the investigat­ion is complete,” ani Malaya.

Aniya, pagpapaliw­anagin ang mga nasabing alkalde, na tumatayo rin bilang chairperso­ns ng kani-kanilang Local Disaster Risk Reduction and Management Council (LDRRMC) at hihingan ng written explanatio­n o justificat­ion kung bakit hindi sila dapat maharap sa disciplina­ry action.

“As mandated by the Local Government Code, the presence and support of mayors in their respective areas of jurisdicti­ons is imperative for them to carry out measures to protect their constituen­ts from the harmful effects of disasters and calamities,” paliwanag ni Malaya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines