Balita

Pacquiao-Mayweather rematch, tuloy kaya?

Tuloy na ang Pacquiao-Mayweather II……

- Ni LEONEL M. ABASOLA

NASA magkabilan­g katig ng bangka sina Manny Pacquaio at Floyd Mayweather Jr. para sa posibilida­d na muling magkasagup­a. Ngunit, wala pang katiyakan kung kailan sila sabay na sasampa.

Tanggap ni Pacquiao ang buwan ng Disyembre na siyang alok ni Mayweather nang pormal nitong ipahayag ang kagustuhan para sa rematch ng itinuturin­g ‘greatest fight’ sa kasaysayan ng sports.

“Isa sa mga considerat­ion na tingnan natin ay hindi maapektuha­n ang trabaho natin, maramiing trabaho ngayon dito, at ang break namin sa Senado ay Oktubre hanggang first week ng Nobyembre, tingnan natin” pahayag ni Pacquiao.

Iginiit ng Senador mula sa General Santos City na kundisyon ang kanyang katawan at kaisipan para sa laban at madali na para sa kanila ng kanyang trainer na si Buboy Fernandez ang sumalang sa ensayo.

Ngunit, ayon sa ilang source na malapit kay Pacquiao, siguradong lalaban muli ang eight-division world champion sa Enero sa susunod na taon, ngunit hindi laban ay Mayweather.

Naisara na umano ang usapan para sa laban ni Pacman sa Enero 12 o 19 sa Las Vegas. Ang naturang laban ang posibleng tune-up fight para sa Mayweather-Pacquiao duel na planong isunod sa bakasyon.

Maging sa promosyon, nais umano ni Mayweather na makisosyo sa laban.

Naunang naipahayag ni Pacquiao sa media interview na plano niyang lumaban ngayong taon, at susundan sa buwan ng Abril o Mayo.

Tangan ng 39-anyos na si Pacquiao ang World Boxing Associatio­n (WBA) welterweig­ht title belt.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines