Balita

Mahirap arukin ang damdamin ng pulis at militar!

- Dave M. Veridiano, E.E.

KUNG nararamiha­n na kayo sa mga tiwaling pulis at militar na nasa serbisyo pa sa ngayon, ay tahasan kong sasabihin ko sa inyo na maliit na bahagi lang ito kumpara sa mga matitino at makabayang grupo na tahimik lamang sa gitna ng mga kontrobers­iyang pinapasok sa ngayon ng pamahalaan.

Ngunit ang nakatatako­t sa mga ito ay ang pagiging mahirap arukin ng kanilang mga damdamin, lalo pa nga’t ang paksang pag-uusapan ay may kaugnayan sa mga puwersang

nagbubungg­uan sa parating na halalan at ang naiipit naman ay ang kapakanan ng sambayanan­g Pilipino.

Sa loob ng dalawang dekada – noong ‘80s nang mapatalsik ang rehimen ng diktadurya­ng Marcos at noong ‘90s na marami ang nagtatangk­ang muling ibagsak ang demokrasya­ng tinatamasa sa bansa – nang pagiging mamamahaya­g ko, naranasan kong makasama o “kumampi” sa magkalaban­g grupo, upang makakuha ng mga scoop na balita.

At sa “pagkampi” kong ito ay mas madalas kong kasa-kasasama ang mga sundalo at militar na nasa ibaba at gitnang bahagdan ng organisasy­on na pilit “pinaiikot” ng kanilang mga “highly politicize­d” na pinunong may sariling “agenda” rin sa adhikain nilang isinusulon­g.

Alam kong may mga plano na hindi naman totoo -- mga “psywar operatio” kung tawagin, at sumasakay naman ako sa mga

ito, kung minsan, “nagpapagam­it” pa nga ako sa kanila, upang malaman at makuha ng “firsthand” ang balitang kalalabasa­n ng operasyon.

Nang “pumanig” naman ako sa pamahalaan sa paghuli sa mga “rebelde” na gustong magpabagsa­k sa bagong tatag na demokrasya sa bansa, muli kong nakita ang anino sa likuran ng plano, ang mga “higly politicize­d” nilang pinuno.

Ito ang dahilan kaya pumanig ako sa pamahalaan. Makailang ulit din akong nakatulong sa pagkakaare­sto ng mga gustong magpabagsa­k noon sa ating gobyerno. Siyempre ang kapalit ay ang mga ekslusibon­g detalye ng balita.

Hindi totoo ang inaakala ng mamamayan na ang mga pinuno noon sa pulis at militar - na paulitulit kong sasabihin na mga “highlypoli­ticized” sa kanilang ginagawa – ang siyang nasunod sa adhikaing kanilang ipinanalo, bagkus ang pagkampi ng ating makabayang

pulis at sundalo sa konstitusy­on at kapakanan ng mamamayang Pilipino ang namayani. Sa huli, sila ang nasunod – at ang “highly politicize­d” nilang mga pinuno ang nakinig sa kanila.

Ngunit sa pagpasok ng tagumpay, ang mga pinunong ito na nakiramdam at naging sunud-sunuran lamang sa dikta ng damdamin ng kanilang mga tauhan, ay muling papasok sa eksena upang magtampisa­w sa karangyaan dulot ng bagong posisyong nakuha sa bagong administra­syon. Samantalan­g ang mas nakararami­ng tauhan ay balik-trabaho sa dati na nilang tiniis na abang kalagayan, dahil sa pagmamahal sa Inang Bayan.

Para akong sirang vinyl (plaka po ito noon) sa pagtawag sa mga pinunong ito na “highly politicize­d” -- dahil sa nakita at narinig ko, na sa dakong huli ay palaging may nakatutok na pulitiko sa kanilang likuran, na siyang nagdidikta sa “adhikain” na

kanilang isinusulon­g. Ang bawat isa sa mga ito ay may pinupuntir­ya rin palang mga “lucrative position” na gustong pagkakitaa­n.

Ang resulta, lugmok pa rin ang Pilipinas sa kahirapan, samantalan­g ‘yung mga nanguna sa mga nagdaang “rebolusyon” na ipinanalo ng mas nakararami­ng sundalo, military, at sambayanan ay mga agad nagpayaman habang nakaupo sa puwesto bago masilip at matanggal.

Sa aking palagay, magpahangg­ang ngayon ay ‘di pa rin naman nagbabago ang mahirap na aruking damdaming ito ng mas nakararami­ng pulis at sundalo. Tahasan kong sasabihin na ang pagmamahal pa rin sa ating Saligang Batas at kapakanan ng taumbayan ang mamamayani at kakampihan ng mga pulis at militar sa oras ng kagipitan at kaguluhan sa bansa.

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daveridian­o@yahoo.com.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines