Balita

French BF, forever na sana ni KC

- Ni ADOR V. SALUTA

UMAASA si Sharon Cuneta na may “forever” na sa relasyon ng anak niyang si KC

Concepcion sa current French boyfriend nitong

si Pierre Emmanuel Plassart.

Of course, ang loving mom ni KC ang unang nagpahatid ng pagbati sa masayang pinagdadaa­nan ngayon ng anak sa BF nitong film producer. Dati nang magkarelas­yon ang dalawa, pero nauwi sila sa hiwalayan.

Sa kanyang post, ibinahagi ng Megastar ang dahilan ng naging break-up noon nina KC at Pierre.

“They were together na a few years ago,” pahayag ng Megastar sa episode ng ABS-CBN morning talk show na

Magandang Buhay noong nakaraang linggo.

Pero nagkahiwal­ay raw ang dalawa dahil sa distansiya, o ang sinasabing long distance love affair.

“Sobra kasing nagkalayo nung maghiwalay the first time. Umiyak talaga ako kasi super…”

Pero nitong Agosto, kinumpirma ni KC via Instagram ang pagbabalik­an nila ng French businessma­n.

Kasalukuya­ng nasa France si KC kasama si Pierre, base sa social media posts ng panganay ni Sharon.

Ayon kay Sharon, si Pierre mismo ang bumili ng plane ticket ni KC para magkasama sila sa France.

“It was Pierre’s birthday kasi noong August 29, so he could not spend time away from her. They were together in Los Angeles, his family was also there. So, umuwi na si KC. ‘Tapos nagulat na lang siya kasi magbi-birthday si Pierre. “’Yun na nga, biglang may ticket na siya to Paris, kasi ayaw siya ni Pierre na malayo, for a while, for a few days.”

Binanggit din ng Megastar kung ano ang nagustuhan niya kay Pierre.

“Such a gentleman, such a gentle soul, at mahal na mahal at respetong-respeto niya ang anak ko. Sobrang pag-alaga niya kay KC,” pagmamalak­i ni Sharon tungkol kay Pierre.

Umaasa raw si Sharon na si Pierre na ang huling lalaki sa buhay ng kanyang panganay. “Dinadasal ko. I remember nung maliit pa si KC, ang dinadasal ko, ‘Lord, lahat ng nakalaan na pain for her, sa akin N’yo na lang ibigay’. Kaya lang hindi puwedeng ganun, ‘di ba? So, marami ring pain na dinaanan ang anak ko on her own.” Sa current relationsh­ip ngayon ni KC, sabi ni Sharon: “I hope it lasts forever, na wala na siyang hahanapin pa. Sabi ko kasi sa kanya noon, ‘You will never know someone’s real ugali hangga’t hindi mo nagiging boyfriend’. “Kasi ‘pag ‘di mo boyfriend, puro pasikat lang, eh. Hindi mo nakikita ang ugali. So, huwag kang se-settle. Don’t think about what people will say. “Hindi naman sila umiiyak ‘pag umiiyak ka. Hindi nila alam. Hindi sila napupuyat ‘pag napupuyat ka. Hindi mo naman kasi sinasabi rin, ‘di ba? Ilan lang ‘yung karamay mo. “Sabi ko, ‘Don’t stop until you know you are very much in love with someone, who loves you very much also’,” payo ni Sharon kay KC.

 ??  ?? Pierre at KC
Pierre at KC

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines