Balita

Richard Gere, 69, magiging tatay uli

IPINAALAM MUNA KAY DALAI LAMA

-

INIHAYAG ni Richard Gere at ng kanyang asawang si Alejandra Silva

nitong Linggo na buntis si Alejandra sa una nilang anak, ngunit inilihim nila ang balita hanggat hindi pa nila naipaaalam ang pagbubunti­s kay Dalai Lama, na binasbasan ang sanggol na nasa sinapupuna­n pa lamang, ulat ng

The Telegraph.

Magiging tatay ang Hollywood actor na tanyag sa kanyang pagganap sa

Pretty Woman, An Officer and a Gentleman, at Chicago, sa pangalawan­g pagkakatao­n sa susunod na taon, ilang buwan bago sumapit ang kanyang ika-70 kaarawan.

Inilabas ng couple ang kanilang larawan kahapon na nasa Rotterdam, kasama ang spiritual leader ng Tibetan Buddhism.

Nakaakbay si Richard sa kanyang asawa habang hawak ni Dalai Lama ang kamay ni Alejandra at nakapatong naman ang isa pa nitong kamay sa kanyang tiyan.

“Just a few moments ago... Getting blessings for our precious to come,” post ng 35 taong gulang na mother-tobe sa kanyang Instagram. “We couldn’t announce it before telling HH Dalai Lama.”

Abril nang pinakasala­n ni Richard, 69, si Alejandra, ang kanyang ikatlong asawa sa Madrid, makaraan ang kanilang apat na taong relasyon.

Una siyang ikinasal sa mga modelong sina Carey Lowell at

Cindy Crawford.

Mayroon nang limang taong gulang na anak na lalaki ang Spanish publicist sa kanyang dating asawa.

Nang makapanaya­m ng Hola, isang Spanish magazine, dalawang taon na ang nakalipas, sinabi ni Alejandra: “Richard has been my hero in real life. I was a little lost, without light, and meeting him gave sense to my life. I felt like someone was stretching out his hand and showing me the true path.”

Maraming beses na ibinahagi ng Golden Globe winner ang kanyang Buddhist faith, na nagsimula pa noong kanyang early twenties.

Pinangalan­an niya ang kanyang 18 taong gulang na anak na Homer, ang middle name ay Jigme, isang traditiona­l Buddhist name.

Nitong nakaraang taon, inihayag niya sa The Hollywood Reporter na ang rason kung bakit hindi siya laging napapanood sa mainstream films ay dahil sa kanyang pananaw tungkol sa Tibet, lalo na dahil malaki na ang impluwensi­ya ng China sa film industry.

“There are definitely movies that I can’t be in because the Chinese will say, ‘Not with him,’” pagsisiwal­at niya.

“I recently had an episode where someone said they could not finance a film with me because it would upset the Chinese.”

 ??  ?? Dalai Lama, Alejandra at Richard
Dalai Lama, Alejandra at Richard

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines