Balita

Janine maglo-launch ng sariling website

PAHINGA MUNA SA TWITTER

- Nora V. Calderon

HINDI totoong nag-deactivate si Janine Gutierrez ng kanyang Twitter account dahil sa mga bashings na inaabot niya mula sa mga fans na ayaw sa kanya bilang leading lady ni Alden Richards sa Victor Magtanggol.

Walang Twitter account ngayon si Janine, at inakala ng iba na hindi na kinaya ng aktres ang mga bashers niya kaya nagdeactiv­ate na siya.

“Pinagpahin­ga ko lang ang Twitter account ko,” paliwanag ni Janine.

“Napansin ko rin po kasi na parang masyado na akong nagiging dependent sa social media. ‘Yun pong paggising ko, ‘yun na ang una kong tinitingna­n. Nag-enjoy din po kasi ako talaga na i-promote ang Victor Magtanggol dahil excited din akong magkuwento na maipalabas ‘yung mga eksena, ‘yung mga fight scenes.

“Pero ‘yun lang pong sa Twitter ang pahinga muna. Kasi parang natatakot ako na baka maniwala na ako dun sa mga sinasabi ng ibang tao. Kaya ibabalik ko naman po. Inaayos ko din naman po, gusto ko rin talaga mag-ayos ng social media ko.” Sinabi ni Janine na may inihahanda siyang sariling website na isasabay niya ang launch sa pagbabalik niya sa Twitter.

Busy rin naman si Janine para isipin ang mga bashers niya, dahil bukod sa Victor-Magtanggol, sisimulan na rin ng aktres ang shooting ng bagong movie niya sa Regal Films, ang Elise. Sa pelikula, makakatamb­al niya ang Kapamilya actor na si Enchong Dee, na dati nang nakatambal ni Janine sa pelikulang Lila, noong 2016. First movie ni Janine ang Elise sa Regal Films kaya excited siya. Napapanood daw niya noon ang mga pelikula ng mommy niyang si Lotlot de Leon sa production ni Mother Lily Monteverde.

Masaya si Janine dahil parehong Regal baby ang parents niya, sina Lotlot at Ramon Christophe­r. Totoo namang sikat na sikat noon ang love team ng parents ni Janine, at lahat ng pelikula ng dalawa sa Regal Films ay kumita sa takilya.

 ??  ?? Janine
Janine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines