Balita

Claudine out, Bela in sa Viva movie

- Ni REGGEE BONOAN

WALA pang inilalabas na official statement ang Viva Films kung tuloy pa si Claudine Barretto sa pelikulang ididirek ni Sigrid Andrea Bernardo na ang location ay sa bansang Georgia.

Inilabas namin dito sa Balita kamakailan na handang-handa nang mag-shoot si Direk Sigrid at hinihintay na lang nito ang go signal ng Viva, na habang tinitipa namin ang balitang ito ay wala pa ring update.

Bagamat hindi naglabas ang Viva management ng statement kung tuloy pa si Claudine ay kaliwa’t kanan naman ang mga naglabasan­g balita na tinanggiha­n ng aktres ang project at nasulat pa na gusto na niyang umalis bilang talent ng Viva Artist Agency. Dahil dito ay pinababali­k umano sa kanya ang advanced niyang talent fee.

Ayon naman sa naka-tsikahan naming taga-Viva: “Wala namang

problema kung aalis siya, eh, ‘di umalis siya, isauli lang niya ‘yung in-advance niya kasi hindi naman tuloy ‘yung project. Hindi naman puwedeng hindi niya isauli ‘yun.”

As of this writing ay wala pang sagot si Claudine rito.

Samantala, base pa rin sa pagtatanon­g namin sa taga-Viva ay si Bela Padilla na raw ang kapalit ni Claudine at sa katunayan ay nabasa na nito ang

script ni direk Sigrid na nagustuhan niya.

teleseryen­g Katorse noong 2009.

Sayang nga at hindi naging sila dahil marami rin naman ang boto kina Enchong at Erich. Tanda nga namin na kapag ini-interview namin silang magkahiwal­ay ay tinatanong namin kung bakit hindi na lang sila ang maging magkarelas­yon. Ang ending, tatawanan lang kami.

Samantala, kasalukuya­ng wala sa bansa si Erich at ang sitsit ay magkasama sila ng rumored boyfriend niyang si Mateo Lorenzo para siguro ipagdiwang

ang kaarawan ng aktres at makapamasy­al na rin.

As of this writing ay wala kaming naririnig na may follow-up TV project si Erich pagkatapos ng Blood Sisters.

‘Yun lang, hindi naman kami sinagot ng kausap namin kung si Mark Anthony Fernandez pa rin ang aktor na makakasama ni Bela sa naturang suspensedr­ama movie.

 ??  ??
 ??  ?? Bela Claudine
Bela Claudine
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines