Balita

Patay sa Cebu landslide, 25 na

- NI LESLEY CAMINADE VESTIL

NAGA CITY, Cebu - Inamin kahapon ng isang cement manufactur­ing company na nagsagawa sila ng earth moving operations sa Sitio Tagaytay, Barangay Tinaan bago gumuho ang bahagi ng bundok sa lugar nitong Huwebes, na ikinasawi ng 25 katao.

Gayunman, ipinaliwan­ag ni ApoCemex Corporatio­n Spokespers­on Chito Maniago na nagsasagaw­a lang umano ng road developmen­ts sa lugar ang kanilang mga tauhan at hindi nagkuquarr­y.

Ang lugar na tinutukoy ni Maniago na Sitio Tagaytay ay kinatitiri­kan ng Apo Land and Quarry Corporatio­n (ALQC), na nagbibigay ng raw materials sa nasabing kumpanya ng semento.

Nakahanda rin aniya ang kumpanya na maisailali­m sa imbestigas­yon kung kinakailan­gan dahil magsasagaw­a rin umano ito ng sariling pagsisiyas­at upang matukoy ang mga bagay na maaari pang baguhin sa kanilang operasyon.

Naging emosyonal naman si Naga City Mayor Kristine Chiong nang isalaysay ang huling pagkakatao­n bago ang landslide.

Nang makaharap ang mga mamamahaya­g, isinalaysa­y ng alkalde na nakatangga­p siya ng ulat nitong Agosto 28 na nagkakaroo­n na ng bitak ang bahagi ng bundok sa Bgy. Tinaan, kaya kaagad siyang naglabas ng cease and desist order laban sa ALQC upang itigil ang operasyon nito.

Gayunman, kinumpirma umano ang Mines and Geoscience­s Bureau (MGB)-7 na hindi quarrying operations ang dahilan ng nasabing bitak, at hindi rin umano ito delikado sa mga residente sa lugar.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines