Balita

Palasyo rumesbak kay Hontiveros

- Argyll Cyrus B. Geducos

Binanatan ng Malacañang si Senador Risa Hontiveros sa pagtawag kay Pangulong Rodrigo Duterte na “destabiliz­er-in-chief,” sinabi na dapat isantabi ang alitan sa politika lalo na ngayon na maraming tao ang nangangail­angan ng tulong matapos manalasa ang Bagyong ‘Ompong’.

Ito ang ipinahayag ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque matapos batikusin ni Hontiveros si Duterte nang akusahan ng Pangulo ang oposisyon ng may planong patalsikin siya.

Sinabi ni Roque na kakatwa na ang ganitong pahayag ay magmumula sa isang tao na palaging sinisiraan ang mga pagsisikap ng Pangulo at ng kanyang administra­syon.

“It is ironic that Senator Risa Hontiveros, who spends so much of her time underminin­g the efforts of this administra­tion, would refer to the President as ‘destabiliz­er-in-chief,’” ani Roque.

Ayon kay Roque, malaki ang inaasahan ng mga tao sa mga inihalal na lider lalo na pagkatapos ang mga trahedya at mga problemang kinakahara­p ng bansa sa kasalukuya­n.

“During this challengin­g time when the nation must stand as one because of the tragedies that befell our farmers from Northern Luzon, the miners of Itogon, Benguet to the residents of Naga, Cebu, what our people expect is a moratorium from excessive politickin­g from our elected leaders,” aniya.

Sa kanyang pahayag, ikinumpara ni Hontiveros si Duterte sa diumano’y idolo nitong si Pangulong Ferdinand Marcos, na libu-libong tao ang namatay at dumanas ng pang-aabuso sa karapatang pantao sa ilalim ng kanyang pamamahala.

“The President is desperatel­y linking the opposition to a so-called destabiliz­ation plot, not admitting that he is actually the country’s ‘destabiliz­er-in-chief,’” ani Hontiveros.

“Like his idol, the dictator Ferdinand Marcos, President Duterte has destabiliz­ed the country’s economy and the price of basic goods and commoditie­s, he has destablize­d our democracy and institutio­ns of governnanc­e,” idinugtong niya.

 ?? MANNY LLANES ?? ‘MANINDIGAN PARA SA DEMOKRASYA’ Nagtatalum­pati si Senador Risa Hontiveros sa paggunita ng mga aktibista sa ika-46 na anibersary­o ng deklarasyo­n ng Martial Law, sa Plaza Miranda, Quiapo, Manila, kahapon.
MANNY LLANES ‘MANINDIGAN PARA SA DEMOKRASYA’ Nagtatalum­pati si Senador Risa Hontiveros sa paggunita ng mga aktibista sa ika-46 na anibersary­o ng deklarasyo­n ng Martial Law, sa Plaza Miranda, Quiapo, Manila, kahapon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines