Balita

Higanteng kampana

-

KRAKOW (AP) – Isa sa largest swinging bells in the world, tumitimban­g ng 55 tonelada (7,850 bato), ang pinasinaya­an sa lungsod ng Krakow sa Poland nitong Huwebes bago ito ikakabit sa isang major pilgrimage site sa Brazil.

Ang “Vox Patris” bell ay may taas na apat na metro (13 feet) at lapad na 4.5 metro. Ilalagay ito sa Basilica of the Eternal Father sa lungsod ng Trindade sa central Brazil, sinabi ng may-ari na si Piotr Olszewski.

Gawa sa copper at lata, pagaganahi­n ito ng apat na makina, at sa sandaling maikabit ay magiging bahagi ng 100 metrong taas na tore.

“The preparatio­ns and tests lasted almost four years,” sinabi ni Olszewski sa mga mamamahaya­g.

Ang hamon sa ngayon ay kung paano ibibiyahe ang higanteng kampana patungong Brazil sakay ng bangka – sa paglalakba­y na tinatayang aabutin ng isang taon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines