Balita

Duterte nais ng ‘secured’ military gadgets mula sa Israel

- Argyll Cyrus B. Geducos

Pinaalalah­anan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Armed Forces of the Philippine­s (AFP) na huwag bumili ng armas at iba pang kagamitang militar at intelligen­ce gadgets mula sa mga bansa na maaaaring makinig sa kanilang mga pag-uusap.

Ito ang idiniin ni Duterte sa pagdalo niya sa 12th activation anniversar­y ng Mechanized Infantry Division sa Capas, Tarlac nitong Huwebes ng gabi.

Sa kanyang talumpati, tiniyak ni Duterte sa mga sundalo na ibibigay niya ang lahat ng pinakamaga­gandang kagamitan, partikular na sa intelligen­ce gadgets, na tutulong sa kanila na episyenten­g magawa ang kanilang mga trabaho.

“I guarantee them that for as long as I have my Armed Forces na loyal to the Constituti­on and to the flag only, to the Constituti­on, hindi nila tayo matutumba. I guarantee you,” aniya.

“I will provide you with the best,” dugtong niya.

Muli ring binanggit ni Duterte na nais niya na bumili ang AFP ng intelligen­ce gadgets mula sa Israel dahil walang isyu ang Pilipinas sa bansang ito sa gitnang silangan.

“Sabi ko nga, if at all, we can buy our gadgets. Huwag tayo magbili doon sa iba kasi kung gamitin natin ‘yan, tayo pati ‘yung kausap mong commander, pati may isang commander sa p ***** i **** labas, nakikinig sa atin,” aniya.

“So doon na lang kayo sa Israel. Wala naman tayong dynamics sa kanila. So most of the orders sa Israel. And the quality is also good,” dugtong niya.

“America, okay. China, still okay. But my military generals want a one made in Israel because it is good and we can be secured,” patuloy niya.

Nagpaalala si Duterte na huwag bumili sa mga ipinapalag­ay na “spying” countries matapos niyang ilantad na inimpormah­an siya ng isang “sympatheti­c” foreign government tungkol sa planong pagpapabag­sak sa kanyang gobyerno.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines