Balita

Wala nang plastic straw sa resto

-

CALIFORNIA (AFP) — Hindi na magbibigay ang mga restaurant sa California ng plastic straws maliban kung hihingin ito mismo ng customer, sa ilalim ng bagong batas na nilagdaan nitong Huwebes ng environmen­t-friendly governor ng estado.

Sinabi ni Governor Jerry Brown na umaasa siya na ang hakbang -magkakabis­a sa susunod na taon at sa buong bansa -- ay maghihikay­at sa maraming tao “to pause and think” bago humiling ng straw.

“It is a very small step to make a customer who wants a plastic straw ask for it,” sinabi ni Brown. “But one thing is clear -- we must find ways to reduce and eventually eliminate single-use plastic products.”

Sa ilalim ng bagong batas, ang restaurant­s na hindi susunod ay makatatang­gap ng dalawang babala bago pagmumulta­hin ng $300 kada taon.

Dumating ang bagong batas sa gitna ng paglawak ng kamalayan tungkol sa pandaigdig­ang krisis sa plastic waste.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines