Balita

Interes sa utang suspendihi­n muna

- Beth Camia

Hinihimok ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Cooperativ­e Developmen­t Authority (CDA) na magpatupad ng “regulatory relief” sa mga bangko at kooperatib­a na naapektuha­n ng Bagyong ‘Ompong’.

Ayon kay kay House Committee on Banks and Financial Intermedia­ries chairman at 2nd Dist. Leyte Rep. Henry Ong, sa ilalim ng “regulatory relief” sususpindi­hin ang pagpapataw at pangongole­kta ng interes at iba pang surcharges sa mga utang ng mga sinalanta ng kalamidad.

Iginiit niya na hindi talaga makakabaya­d ang mga biktima ng bagyo dahil sa laki ng pinsalang iniwan ng kalamidad sa mga tirahan, pananim, at iba pang kabuhayan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines