Balita

2 kelot tiklo sa ‘shabu’

- Bella Gamotea

Napaulat na nakumpiska­han ng apat na pakete ng hinihinala­ng shabu ang dalawang lalaki matapos na sitahin sa kahina-hinala nilang ikinilos sa isang kalsada sa Taguig City, Huwebes ng hapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Leonardo Melo y Medina, at Mark Bobson Batain y Ressurecci­on, kapwa nasa hustong gulang, ng Barangay New Lower Bicutan.

Sa ulat ng Taguig City Police, nagsagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP)-2, sa pangunguna ni SPO1 Noel Legurpa, sa Roldan Street, Bgy. New Lower Bicutan, dakong 3:30 ng hapon.

Dahil sa kahina-hinalang ikinilos ng dalawang suspek sa lugar, sinita sila ng mga pulis at minalas na makumpiska­han ng apat na selyadong pakete ng hinihinala­ng shabu na may timbang na 0.6 gramo, at kaagad silang inaresto.

Isasailali­m sa inquest proceeding­s sa Taguig Prosecutor’s Office sina Melo at Batain para sa paglabag sa Comprehens­ive Dangerous Drugs Act (RA 9165).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines