Balita

Tanod, utas sa pamamaril

- Liezle Basa Iñigo

DAGUPAN CITY - Dead on arrival sa ospital ang isang deputy chief ng mga tanod nang pagbabaril­in ito ng dalawang hindi nakilalang lalaki sa Barangay Bonuan Binloc, Dagupan City, Pangasinan, nitong Huwebes ng gabi.

Ang biktima na nakilalang si Jerry Mangsat, 49, ng Sitio America, Bgy. Bonuan Binloc, ay binawian ng buhay sa Region 1 Medical Center dahil sa tama ng bala ng baril sa katawan.

Ang insidente ay naganap sa China Street, Bgy. Bonuan Binloc, dakong 6:00 ng gabi, ayon sa Dagupan City Police.

Naiulat na bago ang insidente, sumilong ang biktima sa isang waiting shed, kasama ang isa pang tanod, dahil na rin sa lakas ng ulan.

Bigla na lamang umanong dumating ang dalawang lalaki at pinagbabar­il si Mangsat. Tumakas ang dalawang suspek matapos ang krimen.

Narekober sa crime scene ang tatlong basyo ng .45 caliber pistol at isa pang bala ng baril. Hindi pa matukoy ng pulisya ang nasa likod ng pamamaslan­g at ang motibo sa krimen.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines