Balita

Kuryente sa Cagayan, maibabalik na!

- Light A. Nolasco

TALAVERA, Nueva Ecija - Mahigit 20 lineman ng isang kooperatib­a ng kuryente sa Luzon ang nagtungo kahapon sa Cagayan Valley region upang tumulong sa pagkukumpu­ni upang maibalik ang linya ng kuryente sa rehiyon matapos itong salantain ng bagyong ‘Ompong’ nitong Sabado.

Sa send-off ceremony ng Nueva Ecija Electric Cooperativ­e (NEECO-I) at NEECO-II, binigyan ng kani-kanilang assignment sa Cagayan Electric Cooperativ­e ang mga contingent ng bawat kooperatib­a.

Ipinaliwan­ag ni Reynaldo Villanueva, presidente ng Central Luzon Electric Cooperativ­e Associatio­n (CLECA), na maraming lugar pa rin sa Cagayan ang walang kuryente hanggang sa ngayon.

“Aabot na sa 900 poste ng kurytente ang natumba sa Cagayan 1, samantalan­g nasa 500 poste naman sa Cagayan-1,” sabi ni Villanueva.

Tatagal, aniya, ng isang buwan ang contingent sa kanilang assignment pero posible pang tumagal sakaling kailangani­n.

Sinabi ni Villanueva na papasanin ng kooperatib­a ang suweldo at lahat ng gastusin ng naturang contingent, habang manggagali­ng naman sa host cooperativ­e ang mga materyales sa pagbabalik ng supply ng kuryente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines