Balita

Obrero todas sa suntok

- Leandro Alborote

TARLAC CITY - Isang empleyado ng isang kumpanya ng bakal ang napatay nang suntukin ito ng katrabaho sa Zone 1, Barangay Amucao, Tarlac City, nitong Huwebes ng hapon.

Sa report ni SPO3 Gerald Mamadlo, nakilala ang biktimang si Jonathan Medina, 30, habang ang suspek naman ay nakilalang si Virgilio Avalle, 37, parehong residente sa lugar.

Sa imbestigas­yon ng pulisya, nangyari ang insidente sa loob ng kanilang bodega, dakong 3:45 ng hapon.

Naghihinta­y umano ang dalawa ng oras ng pag-uwi nang magkaasara­n na nauwi sa suntukan.

Natigil lang ang pag-aaway ng dalawa nang sumuka ng dugo si Medina, na kaagad na isinugod sa pagamutan kung saan ito binawian ng buhay.

Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong homicide.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines