Balita

Kelot, patay sa saksak

- Fer Taboy

Patay ang isang lalaki matapos saksakin ng tatlong hindi nakikilala­ng lalaki sa gitna ng kanilang pagtatalo sa Barangay Gaya-Gaya, San Jose Del Monte City, Bulacan, kahapon.

Sa pahayag ng San Jose Del Monte City Police Office (SJDMCPO), ang biktima ay kinilalang si Jerome Baysa, 30 anyos.

Sa imbestigas­yon ng pulisya, pauwi na sana ang biktima nang makasalubo­ng ang tatlong suspek sakay sa tricycle.

Nagkasagut­an umano ang mga ito sa hindi mabatid na dahilan na humantong sa habulan hanggang mauwi sa pananaksak kay Baysa.

Tumanggi na ang pamilya na isailalim sa awtopsiya ang bangkay ng biktima.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines