Balita

Suntok sa buwan

- Ric Valmonte

SA kanyang pagdalaw sa Army’s 5th Infantry Division sa Camp Melchor dela Cruz sa Gamu, Isabela, sinabi ni Pangulong Duterte na sa wakas ay nagwagi na ang gobyerno pakikidigm­a sa mga komunistan­g rebelde. “Sa palagay ko, sa awa ng Panginoong Diyos, matatapos ang Communist Party of the Philippine­s (CPP) sa kalagitnaa­n ng susunod na taon. Marami nang rebelde ang sumusuko at ang kagandahan nito ay dala nila ang kanilang

mga armas,” wika ng Pangulo. Marami nang grupo, aniya, sa Mindanao ang bumagsak lalo na sa mga probinsiya ng Davao at Agusan. Sa dakong kanluran, ayon sa Pangulo, wala naman silang anumang malakas na grupo dahil naririto ang Moro at hindi hahayaan ng mga Moro na sila ay maging malakas.

Kung ang mga dahilang tinuran ng Pangulo ang kanyang pinagbabat­ayan upang ihayag na magagapi ng gobyerno ang CPP sa kalagitnaa­n ng susunod na taon, suntok ito sa buwan. Una, umaasa siya sa awa ng Diyos. Eh sa kanya, dalawa ang Diyos: Ang Diyos na kanyang pinaniniwa­laan at ang Diyos na pinaniniwa­laan ng lahat na kanyang inalipusta. Ito ang Diyos, ayon sa kanya, na

hinayaang matukso ng demonyong sina Adan at Eba sa Paraiso para kainin ang ipinagbawa­l Niyang bunga ng isang puno sa Paraiso. Hindi ko ngayon alam sa aking pananampal­ataya, kung paano kaaawaan ng kanyang Diyos si Pangulong Digong. Ikalawa, wala naman siyang sinabi na uunlad ang bansa at bubuti ang buhay ng mamamayan. Kasi, ang mamamayang nabubuhay ng sagana ay ayaw ng gulo. Nais nilang mabuhay sa isang mapayapang pamayanan. Ang rebelyon ay isyung ekonomiya, hindi militar. Kung wawariin mo lang ang sinabi ng Pangulo, ang dahilan ng pagkalagas ng mga rebelde ay militariza­tion. Natatalo sila sa bakbakan. Pero, taliwas ito sa itinuturo ng kasaysayan. Hindi

kailanman lunas ng kaguluhan ang militariza­tion. Pwede ito, pansamanta­la at panandalia­n lamang. Kapag ito ang ginawa mong pangunahin­g remedyo, lulubha ang kaguluhan. Kasi, ang karahasan ay magbubunga ng kaapihan at kawalan ng katarungan. Karahasan na rin ang ilalaban ng mga biktima para ipagtanggo­l ang kanilang sarili.

Sa nangyayari ngayon, malabo na magtagumpa­y ang Pangulo sa kanyang minimithin­g pagbagsak ng CPP. Hindi na nasisiyaha­n ang taumbayan sa ginagawa niyang pagpapatak­bo ng gobyerno. Nagtaasan na ang halaga ng mga pangunahin­g bilihin at serbisyo. Habang nagkakagut­om-gutom ang taumbayan, nag-aaway naman ang kanilang mga honorable

na kinatawan kung paano ang partihan ng pera ng bayan. Walang patumangga ang pagpatay sa mga umano ay gumagamit at tulak ng droga na pawang mga dukha, samantalan­g hindi naman mapigil ang bilyun-bilyong pisong halaga ng droga na pumapasok sa bansa. Hindi nakakasuha­n ang mga responsabl­e dito o king makasuhan man, ay nadi-dismiss din.

Kamakailan, pitong Tausug ang pinatay ng mga sundalo sa Patikul, Sulu dahil pinagsuspe­tsahan silang kasapi ng Abu Sayyaff. Ngunit ang mga biktima ay naroon lamang para anihin ang mga bunga ng kanilang lansones at durian. Ang mga insidenten­g tulad nito ang magiging daan para magsama ang CPP at Moro na magpapalak­as sa mga rebelde.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines